“We are all gifted to give and blessed to bless,”- Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,413 total views

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na ituring ang mga natatanggap na biyaya hindi lamang bilang pagpapala kundi ang mismong presensya ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Advincula sa maringal na Misa para sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon sa Cardinal, si Maria ay puspos ng biyaya dahil sa kanyang pagtanggap sa misyon ng pagiging Ina ng ating Diyos at tagapagligtas – ang Panginoong Hesus.

“Mary is full of grace not because she has accumulated all for herself all possessions, powers, and privileges. Rather Mary is full of grace because only God occupies her heart, her mind, her body, her whole being.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Iginiit naman ni Cardinal Advincula na ang bawat isa ay mayroong misyon na ibahagi ang bawat biyayang natatanggap sa mga higit na nangangailangan.

Sinabi ng Cardinal na ito ang nais ipahiwatig ni Maria nang kanyang tanggapin ang misyon ng pagiging Ina ng Panginoon na kanya namang ibinahagi sa sanlibutan.

“Brothers and sisters, we are all gifted to give and blessed to bless. All graces come with a mission. The graces that fill our lives are meant to also fill the lives of others.” ayon sa Cardinal.

Ang Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion ang patrona ng Manila Cathedral at buong Pilipinas.

Ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ang Immaculate Conception na kabilang sa mga dogma o aral tungkol kay Maria na nagpapaliwanag na ang Mahal na Birheng Maria ay ipinaglihi at isinalang nang walang salang orihinal.

Tinagurian ang Pilipinas bilang Pueblo Amante de Maria dahil sa masidhing pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Birhen bilang masintahing ina ng Panginoong Hesus at ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 22,394 total views

 22,394 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 44,399 total views

 44,399 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 68,741 total views

 68,741 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 92,532 total views

 92,532 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 126,653 total views

 126,653 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top