Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Writ of Kalikasan, isasampa sa mining companies sa Davao Oriental

SHARE THE TRUTH

 16,745 total views

Iginiit ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pagsasampa ng Writ of Kalikasan laban sa mga kumpanya ng minahan sa Davao Oriental.

Kaugnay ito sa malawakang nickel mining operation ng Riverbend Consolidated Mining Corporation at Arc Nickel Resources, Inc. sa Banaybanay, Davao Oriental na nagdulot na ng malawakang pinsala sa mahigit 200 ektaryang lupain at mga ilog sa lugar.

Ayon kay Cardinal David, dapat managot ang mga kumpanyang responsable sa pagkalason ng mga ilog ng Mapagba at Pintatagan, dahil sa mga kemikal na nagmumula sa pagmimina.

“What happened in Banaybanay, Davao Oriental is not just an environmental accident—it’s a crime against the community and creation itself… Heavy rains simply revealed what was already wrong—massive siltation, careless overburden disposal, and weak safeguards that allowed waste materials to overflow into vital waterways,” pahayag ni Cardinal David.

Kinilala ng kardinal ang hakbang ni Governor Nelson Dayanghirang, Sr. sa pagpapahinto ng operasyon ng pagmimina, ngunit iginiit na hindi ito sapat, bagkus dapat kasuhan at papanagutin ang mga may kinalaman sa mapaminsalang proyekto.

Sinabi ni Cardinal David na karapatan ng mga apektadong mamamayan na makamit ang katarungan para sa nawalang malinis na tubig, kabuhayan, at dangal ng kanilang lupain.

Kaya naman binigyang-diin ng pinuno ng mga obispo ng Pilipinas ang pagsasampa ng Writ of Kalikasan upang tunay na maipagtanggol ang karapatan ng bawat mamamayan para sa patas at malusog na kapaligiran.

“A Writ of Kalikasan should be filed against these companies… The mining operators must be held liable for the ecological damage they have caused and compelled to rehabilitate what they have destroyed,” giit ni Cardinal David.

Tiniyak din ni Cardinal David na bukas ang simbahan, sa pamamagitan ng Access to Justice Ministry, upang tulungan ang mga naapektuhan sa Banaybanay.

Hinimok ng kardinal ang mga mamamayan na makipag-ugnayan kay Mati Bishop Abel Apigo, punong pastol ng diyosesis na nakasasakop sa Davao Oriental, upang maiparating ang suporta ng simbahan sa mga naapektuhan.

“Suspend, sue, and hold them accountable — for the sake of our common home,” saad ni Cardinal David.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,062 total views

 34,062 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 56,894 total views

 56,894 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,294 total views

 81,294 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,194 total views

 100,194 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 119,937 total views

 119,937 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top