Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Youth Volunteers, kinakailangan ng Caritas Manila sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 529 total views

September 26, 2020-11:45am

Pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang virtual celebration ng ika-67 anibersaryo ng Caritas Manila.

Sa homiliya ng Obispo sa misang ginanap sa Caritas Manila compound ay binigyang pagkilala at pasasalamat ang malaking bahaging ginagampanan ng mga benefactors at volunteers upang makapagpaabot ng tulong ang social arm ng simbahan sa mga nangangailangan sa lipunan.

“Kung nagagawa po ng Caritas Manila ang kanyang mga programa ito po ay dahil sa maraming mga benefactors na naniniwala sa gawaing kabutihan na ginagawa ng Caritas Manila kaya maraming Salamat po, so nandyan po ang mga benefactors na nagbibigay ng tulong, nandyan po ang mga volunteers na sila naman ang nagbibigay sa mga nangangailangan sa mga tulong na tinatanggap natin,” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Giit ng obispo, hindi matatawaran ang dedikasyon na ginagampanan ng mga volunteer ng Caritas Manila na hindi lamang panahon ang inilaan kundi maging ang pagharap sa panganib sa kalusugan upang makapagbahagi ng tulong sa mga apektado ng krisis na dulot ng pandemic Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

“Dahil po sa mga volunteers na yan naaabot po natin ang mga mahihirap kaya mahalaga po ang papel ng ating mga volunteers at ako po ay nagpapasalamat sa kanila, sa paglaan nila hindi lang ng kanilang panahon ngunit sa pagtataya nila ng kanilang kalusugan para makatulong sa kapwa kasi kailangan natin maabot yung mga tao,” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Nanawagan naman ang Obispo para sa pangangailangan ng Caritas Manila ng mga kabataang volunteers dahil sa limitasyon na dulot ng banta ng COVID-19 sa mga mas nakatatanda na karaniwang mga volunteer ng Caritas Manila.

Ayon kay Bishop Pabillo, marami pang mga programa ang Caritas Manila na nangangailangan ng tulong ng mga volunteers upang ganap na maisagawa para sa mga nangangailangan lalo na ngayong patuloy na humaharap ang bansa sa krisis na epekto ng pandemya.

“Ngayong panahon ng pandemic kailangan natin ng mga mas bata bata pa kaya ito’y panawagan sa mga volunteers natin ngayon maghanap pa kayo ng ibang mga volunteers na mga kabataan lalong lalo na yung ibang may edad na maghanap tayo ng kapalit sa ating paglilingkod marami po tayong mga programa, maraming kailangang abutin kaya patuloy pong pangangailangan natin ng mga volunteer,” panawagan ni Bishop Pabillo.

Pinangunahan rin ni Bishop Pabillo katuwang si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ang Ritwal ng Pagtatalaga ng mga Lingkod na may 3,000 volunteers ng Caritas Manila kung saan karamihan ay nakibahagi sa pamamagitan ng pagtutok sa virtual celebration dahil na rin sa mga limitasyon sa ilalim ng General Community Quarantine.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Thriving In Crisis Through Faith And Charity’ bilang pagkilala sa misyon ng institusyon na patuloy na makapagkaloob ng tulong sa mga nangangailangan sa kabila ng panganib na dulot ng COVID-19.

Sa nakalipas na 67 taon pinalalawig pa ng social arm ng Archdiocese of Manila ang mga programa tulad ng Caritas Margins, Restorative Justice Ministry, Segunda Mana at Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na nagpapaaral sa mahigit 5,000 scholar sa buong Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 61,393 total views

 61,393 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 85,178 total views

 85,178 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 97,413 total views

 97,413 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 282,854 total views

 282,854 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 312,723 total views

 312,723 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 47,796 total views

 47,796 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top