Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

10 parokya sa Diocese of Cubao, nalubog sa baha

SHARE THE TRUTH

 16,541 total views

Sampung parokya sa Diocese of Cubao ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat.

Ayon kay Cubao social action director, Fr. Ronnie Santos, pinakamatinding apektado ng nagdaang sakuna ang San Antonio de Padua Parish sa San Francisco del Monte at Most Holy Redeemer Parish sa Masambong sa Quezon City.

“Naglutangan po ang mga pews (upuan) po nila, so talagang matinding baha po ito. May mga ilang areas po na hindi pa tayo makapasok dahil baha, but for the meantime, nakaready na po ‘yung mga ibibigay nating tulong sa mga affected areas,” pahayag ni Fr. Santos sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Pagbabahagi ni Fr. Santos na kumpara sa mga nagdaang kalamidad, nadagdagan ang mga lugar at parokyang nalubog sa baha.

Ikinababahala ng pari na marahil dahil ito sa iba’t ibang gusali at imprastrakturang itinatayo sa lungsod.

“May mga lugar na dating hindi binabaha ngayon ay binabaha. Nadagdagan ang mga parokyang binabaha marahil dahil sa mga bagong imprastrukturang itinatayo,” ayon kay Fr. Santos.

Samantala, ilang simbahan naman sa diyosesis ang nagbukas upang magsilbing evacuation centers ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Batay sa huling tala ng Caritas Cubao, nasa halos 2,000 pamilya o 9,000 indibidwal ang nagsilikas at ngayo’y nangangailangan ng tulong.

Panawagan ni Fr. Santos ang tulong-pinansiyal at in-kind donations tulad ng food packs, bigas, canned goods, maiinom na tubig, sleeping kits, at hygiene kits.

Sa mga nais magpaabot ng cash donations, maaari itong ipadala sa Metrobank Account na Roman Catholic Bishop of Cubao Inc, Our Lady of Perpetual Help Parish sa account number na 013-7-01354436-7.

Sa in-kind donations naman, maaari itong dalhin sa Our Lady of Perpetual Help Parish sa 13th Avenue, Cubao, Quezon City.

Para sa karagdang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa facebook page na Our Lady of Perpetual Help Parish-OLPH o kaya nama’y kina Lawrence Laureta sa 0998-424-6773 o Fr. Ronnie Santos sa 0917-522-1890.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 3,340 total views

 3,340 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 11,576 total views

 11,576 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 19,558 total views

 19,558 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 28,129 total views

 28,129 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 36,304 total views

 36,304 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top