“Seminar at workshop sa pagpapanatili ng makasaysayang simbahan, isasagawa sa Pampanga”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,290 total reads

Pangungunahan ng San Fernando-Pampanga Archdiocesan Commission on Church Heritage, katuwang ang United Architects of the Philippines — Commission on Liturgical Architecture & Sacred Spaces (UAP-CLASS), ang seminar at workshop na may temang “Conserving Heritage Churches.”

Isasagawa ito sa August 18, 2025, mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Virgen de los Remedios Function Hall, Arzobispado de San Fernando, San Jose, San Fernando City, Pampanga.

Magsisimula ang programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita ni San Fernando, Pampanga Archbishop Florentino Lavarias, at susundan ng pagpapakilala sa mga magiging tagapagsalita.

Kabilang dito sina National Museum of the Philippines – Arts and Built Heritage Division Museum Researcher II John Brian de Asis, MA, na tatalakay sa paksang “Importance of Republic Act 11961 Related to Declared Churches.”

Susundan ito ng pagbabahagi ni International Council on Monuments & Sites — Philippines President, Wood Structure Management Dr. Cheek Fadriquela tungkol sa “Wood Management in Heritage Churches”; at panghuli nama’y si UAP-CLASS Chairman Arch. Roy John de Guzman na ituturo ang “Basic Church Construction and Maintenance Workshop.”

Layunin ng gawain na palawakin ang kaalaman at kamalayan hinggil sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga makasaysayang simbahan, na itinuturing na mahalagang bahagi ng pamana ng Simbahang Katolika at ng kasaysayan ng bansa.

Ang mga heritage church ay patunay ng pananampalataya, sining, at kultura ng mga Pilipino sa loob ng maraming siglo, at tampok dito ang kakaibang disenyo at sining na pinagsama ang impluwensiya ng kolonyal na kasaysayan at likas na galing ng mga Pilipino.

Sa Pampanga, kabilang sa mga kilalang heritage churches ang San Guillermo Parish Church sa Bacolor; Sta. Monica Parish Church sa Minalin; at ang Metropolitan Cathedral of San Fernando.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,309 total reads

 51,309 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,911 total reads

 130,911 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,358 total reads

 164,358 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 199,656 total reads

 199,656 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,139 total reads

 424,139 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,989 total reads

 156,989 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top