Pamumuhunan ng ADB sa mining projects sa Pilipinas, binatikos ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,435 total reads

Mariing tinutulan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) at ilang civil society organizations ang plano ng Asian Development Bank (ADB) na mamuhunan sa mga mining project sa ilalim ng “Critical Minerals for Clean Energy Technologies” (CM2CET) approach.

Sa isinagawang malikhaing kilos-protesta sa harap ng ADB Headquarters sa Mandaluyong City, sinabi ni Jaybee Garganera, National Coordinator ng ATM, na nalalagay sa alanganin ang ADB dahil sa pagpopondo nito sa mas maraming pagmimina kapalit ng pagkasira ng biodiversity, yamang-tubig, at karapatan sa lupa.

Binigyang-diin ni Garganera na ang pagmimina ng mga critical minerals tulad ng nickel at copper ay maaaring lumikha ng tinatawag na “sacrifice zones.”

“Mining of critical minerals such as nickel and copper will potentially create ‘sacrifice zones’ – where governments and mining corporations sacrifice fragile island ecosystems, critical watersheds, and Indigenous Peoples’ and the community’s human rights for what is conveniently touted as the ‘greater good,” ayon kay Garganera.

Tinawag din niyang rebranding ang CM2CET at “Climate Smart Mining” upang magmukhang hindi mapaminsala ang epekto ng pagmimina, tulad ng paggamit ng terminong “responsible mining” para makakuha ng mas malawak na pagtanggap ng publiko.

Dagdag pa ni Garganera, magkakaiba ang kahulugan ng bawat bansa sa “critical minerals” kaya dapat tanungin kung sino talaga ang nakikinabang batay sa pamantayan ng ADB.

“Countries define what minerals are critical to their industries or national security. Different countries have different lists of critical minerals. A critical mineral for Germany or the US is not necessarily a critical mineral for Indonesia or the Philippines. The question therefore is: Who is actually benefiting from extracting ‘critical minerals’, as defined by ADB?” saad ni Garganera.

Batay sa tala ng United States Geological Survey (USGS) noong 2024, nakapagtala ang Pilipinas ng produksyon na humigit-kumulang 330,000 metric tons ng nickel, dahilan para manatili ito sa hanay ng mga nangungunang nickel producer sa buong mundo.

Tinatayang 27% ng global nickel reserves ay matatagpuan sa Pilipinas at Indonesia, kaya target ang dalawang bansa sa pagpapalawak ng critical mineral supply chains.

Sa Laudato Si’, binigyang-diin ng yumaong Papa Francisco ang pinsalang hatid ng pagmimina na labis na nagpapahirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,556 total reads

 22,556 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,958 total reads

 59,958 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,169 total reads

 78,169 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,497 total reads

 162,497 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,807 total reads

 198,807 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,489 total reads

 80,489 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top