150-milyong pisong confidential fund ng DepEd, mananatili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,838 total reads

Mananatili ang 150 milyong pisong confidential fund sa panukalang pondo ng Department of Education (DepEd) sa susunod na taon na nagkakahalaga ng kabuuang 710 bilyong piso.

Ito ang inihayag ni Zamboanga City 2nd district Representative Manuel Jose Dalipe-kaugnay sa pagtalakay ng bawat komite sa mga aamyendahang panukala matapos ang sponsor deliberation ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa 2023 national budget.

“I am one with him for additional budget for classrooms but not necessarily naman kukunin sa confidential funds because when the Vice-president was here during the sponsorship of the budget of our department, the Department of Education, clear naman kay Vice president-secretary Sara Duterte ‘yung purpose ng confidential fund,” ayon kay Dalipe.

Sinabi ni Dalipe, maaring magkaroon pa ng karagdagang pondo ang DepEd para sa pagsaaayos ng mga nasirang paaralan dulot ng kalamidad, at hindi ito magmumula sa confidential fund ayon sa mungkahi ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel.

Sa nakalipas na pananalasa ng Super Typhoon Karding, aabot sa P112-milyon halaga ang kinakailangan ng DepEd sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan.

Ito ay bukod pa sa 40-bilyong pisong halaga ng mga classroom na kailangang sumailalim sa pagkukumpuni sa mga paaralang una ng nasira sa mga nagdaang kalamidad.

Matapos ang pag-amyenda, inaasahang sa mga susunod na araw ay isusumite na sa Mataas na Kapulungan ang bersyon ng Kamara sa 2023 proposed budget na nagkakahalaga ng higit sa limang trilyong piso.

Dagdag pa ng mambabatas, wala ding inaasahang malaking pagbabago sa panukalang pondo maliban lamang sa mga kahilingan ng mga mambabatas sa ilang ahensya ng karagdagang pondo.

Naniniwala naman ang simbahang Katolika na ang pagiging bukas sa publiko sa mga paglalaanan ng pondo ay isang paraan upang maiwaksi ang katiwalian.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,441 total reads

 16,441 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,316 total reads

 34,316 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,205 total reads

 74,205 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,332 total reads

 108,332 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,738 total reads

 164,738 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 32,396 total reads

 32,396 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top