1st Virtual conference for Grandparents and the Elderly, magsisimula sa ika-25 ng Hulyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Nakibahagi sa 1st National Virtual Conference for Grandparents and the Elderly na inorganisa ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life si Diocese of Parañaque Bishop Jesse Mercado na siyang incoming chairman ng komisyon.

Ayon sa Obispo, kahanga-hanga ang ginawang pangangasiwa ni Archdiocese of Lipa Archbishop Gilbert Garcera upang maisakatuparan ang pagtitipon na tugon sa deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly ngayong taon. Inihayag ni Bishop Mercado na napapanahon rin ang pagtitipon sa patuloy na paggunita ng bansa ng ika-500 annibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

“I would like to express my thanks once more to our outgoing chairman of the Episcopal Commission on Family and Life, The Most Rev. Gilbert Garcera D.D. who has been preparing for this wonderful conference and has shown the kind of leadership we need so that all are able to participate well in our celebration of the 500 years of Christianity here in the Philippines.” pahayag ni Bishop Jesse Mercado.

Ipinaliwanag ni Bishop Mercado na naaangkop rin ang tema ng idineklarang kauna-unahang World Day for Grandparents and the Elderly ni Pope Francis na “I am with you always” na naglalayong bigyang diin ang pagiging malapit ng Simbahan at ng mismong Panginoon sa bawat isa partikular na sa mga nakatatanda lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Giit ng Obispo, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lolo, lola at nakatatanda sa pagtataguyod ng isang maayos na lipunan gayundin sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyano sa pamilya lalo na sa mga kabataan.

“Yes my dear grandparents, my dear elderly people you are not alone because you are special to us, you play a special role in the building up of our community especially of our faith during this time of trial, while we are going on our own experiences of the pandemic. During these days we are trying to reflect on the dignity and the role of the grandparents and the elderly people have in our society today and in our church.” Dagdag pa ni Bishop Mercado.

Tampok sa tatlong araw na 1st National Virtual Conference for Grandparents and the Elderly mula ika-22 hanggang ika-24 ng Hulyo ang pagbabahagi ng mga karanasan at pagninilay ng mga piling tagapagsalita sa pangunguna ni Archbishop Garcera na tatalakayin ang “The Dignity of the Elderly and their mission in our society and in the Church” na naglalayong higit na bigyang halaga ang dignidad at mahalagang papel ng mga lolo, lola at nakatatanda. Nakatakda ang kauna-unahang World Day of Grandparents and the Elderly sa ika-25 ng Hulyo na malapit sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ang Lolo at Lola ni Hesus na patron ng mga lolo, lola at nakatatanda.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 102,986 total reads

 102,986 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 241,341 total reads

 241,341 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 357,118 total reads

 357,118 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 473,368 total reads

 473,368 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top