2-opisyal ng AFP, testigo ng prosekusyon sa day 20 ng impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,440 total reads

Sa papasok sa ika-20 araw ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, dalawang opisyal ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang inaasahang haharap bilang mga testigo.

Nakatuon ang pagdinig sa maling paggamit ng ₱112.5 milyong confidential funds ng Department of Education o DepEd noong kalihim pa ng ahensya si Duterte.

Inaasahang haharap sa impeachment court sina Colonels Manaros Boransing II at Magtangol Panopio kaugnay sa mga military certification na ginamit ng DepEd sa pagtugon sa mga findings ng Commission on Audit o COA.

Kabilang sa mga programa na nauugnay sa mga dokumentong ito ang Youth Leadership Summits o YLS.

Sa nakaraang imbestigasyon ng Kamara, sinabi ng ilang military officer na ang kanilang mga unit ay hindi nakatanggap ng confidential funds mula sa DepEd para sa mga aktibidad na nakasaad sa mga certification.

Nakatakda ring humarap bilang testigo si Atty. Michael Wesley Poa, dating chief of staff at spokesperson ni Duterte sa DepEd at ngayon ay kabilang sa kanyang defense team.

Nais din ng prosecution na ideklarang hostile witness si Poa dahil bahagi na siya ngayon ng defense team.

Dahil sa kanyang dating tungkulin sa DepEd, inaasahang uusisain si Poa tungkol sa pagtugon ng ahensya sa COA findings at sa paghahanda ng mga dokumento para sa confidential fund expenditures.

Samantala, nakatakda ring tumestigo sa Setyembre 2 si PSA Assistant National Statistician Marizza Grande tungkol sa beripikasyon ng mga pangalang lumabas sa acknowledgment receipts na isinumite bilang patunay sa paggamit ng confidential funds.

Sa Article I ng impeachment charges, inaakusahan si Duterte sa umano’y maling paggamit ng kabuuang ₱612.5 milyong confidential funds—₱500 milyon para sa OVP at ₱112.5 milyon para sa DepEd.

Matapos ang Article I, inaasahang magpapatuloy ang prosecution sa iba pang impeachment charges, kabilang ang mga alegasyon tungkol sa hindi maipaliwanag na yaman at bribery.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 64,824 total reads

 64,824 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 100,600 total reads

 100,600 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 135,900 total reads

 135,900 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 362,170 total reads

 362,170 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 251,917 total reads

 251,917 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 11,521 total reads

 11,521 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top