Bishop Pabillo, nanawagan ng tulong at dasal sa mga biktima ng baha sa Central Luzon at Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,969 total reads

Nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ng panalangin at tulong para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng ilang linggong pag-ulan sa Luzon, partikular ang mga arawan at wage earners na hindi makapagtrabaho dahil sa masamang panahon

Bagamat hindi malaki ang epekto ng kalamidad sa Palawan at nananatiling mainit ang panahon sa lugar, nakikiisa at hiniling ni Bishop Pabillo sa panginoon na bigyan ng lakas ng loob mga patuloy na naghihirap dahil sa walang tigil na pag-ulan.

“Tungkol sa kalagayan po dito sa Palawan, ay hindi naman masama, kasi hindi naman ganoon kalaki ang disaster dito sa Palawan. Wala kaming masyadong ulan, in fact, mainit, kami ay mainit dito. Pero ang makulimlim lamang panahon.Kaya kami nakikiisa sa mga talagang naghihirap dahil po sa mga ilang dalawang linggo na, tatlong linggo na ulan diyan sa Luzon. Panginoon, basbasan niyo po sila, bigyan sila ng lakas ng loob at sana po ay maging maganda na ang panahon upang hindi patuloy ang kanilang paghihirap diyan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ipinagdasal din ng Obispo ang mga manggagawang umaasa sa araw-araw na kita, dahil kapag hindi sila nakapagtrabaho nang ilang linggo, direktang naaapektuhan ang kanilang pamilya at kakayahang makabili ng pagkain

Sa huli, sa kanyang panalangin, hiniling ni Bishop Pabillo na pagkalooban ng Diyos ng pagkain, lakas at mga taong makatutulong ang mga pamilyang dumaranas ng hirap, at mabigyan sila ng pagkakataong makabangon sa sandaling bumuti ang panahon

“Lalong-lalo na po, iniisip ko ang mga arawan, ang mga wage earners, na umaasa lamang sa kanilang trabaho araw-araw. E yung tatlong linggo na ulan, sila ay hindi na makapagtrabaho, kawawa naman ang kanilang pamilya. Panginoon, patasagin mo ang loob nila, bigyan sila ng pagkain at sana ang mga taong makakatulong sa kanila sa ganitong panahon. At ang magandang panahon, sana makabawi sila, sana wala silang trabaho at walang pagkakataon sa kanilang hanapbuhay,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit 8.6-million na bilang ng Pilipino na katumbas ng 2.4-million na bilang ng pamilya na ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay, Neneng at Southwest Monsoon, habang 32 ang naitalang nasawi at 19 ang nasugatan.

Umabot naman sa higit 6.1-billion pesos ang pinsala sa imprastraktura at 2.3 billion pesos sa agrikultura, habang umaabot sa 174-thousand naman ang kasalukuyang bilang ng mga nananatili sa mga evacuation centers

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,892 total reads

 231,892 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,623 total reads

 263,623 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,447 total reads

 365,447 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,010 total reads

 406,010 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,107 total reads

 417,107 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 23,357 total reads

 23,357 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top