2 Pari sa Diocese of Malaybalay, namatay sa COVID-19…kaparian at mananampalataya, hinimok na sumunod sa safety health protocols

SHARE THE TRUTH

 404 total views

Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Malaybalay ang mga simbahan at mananampalataya na mahigpit sundin ang safety health protocol upang makaiwas sa coronavirus disease.

Sa direktiba ni Msgr. Noel Pedregosa, STL ang kasalukuyang tagapangasiwa ng diyosesis, hinimok nito ang mga pari at nasasakupang mananampalataya na mag-ingat lalo’t patuloy ang paglaganap ng virus.

Nagluksa ang diyosesis sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang parish priest na sina Fr. Jojo Brigoli at Fr. Pablo Salengua na pawang nasawi sa COVID-19 noong Mayo 2 at 4.

“Mahigpit nating ipatupad at sundin ang mga protocol sa pandemya tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social at physical distancing sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa at mga Sakramento, paggamit ng hand sanitizers o alcohol at pagsunod sa limitasyon ng bilang ng mga maaaring makadalo sa mga pagdiriwang,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Pedregosa.

[smartslider3 slider=21]

Suspendido rin ang pagtitipon sa mga parokya at catholic schools maliban sa Banal na Misa. Maaaring magsagawa ng pagpupulong ang mga Parish Pastoral Council (PPC) at mandated religious organizations batay na rin sa desisyon ng mga Kura Paroko.

Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng misa sa bahay,sa mga pribado at pampublikong tanggapan sa halip hinikayat ang mamamayan na dumalo sa mga parokya at kapilya.

“Para sa mga pari, i-maintain ang safe distance sa mga tao before, during at after ng Misa. Ipinagbabawal din ang pag-accommodate sa bahay kung may sponsors para sa pagkain pagkatapos ng mga misa sa halip maaaring maghanda ng pagkain sa labas ng mga kapilya” dagdag pa nito.

Inatasan din ang mga kura paroko na limitahan ang mga maglilingkod sa mga misa upang matiyak ang safe distance ng bawat tao sa loob ng simbahan.

Ipinagpaliban din ng diyosesis ang nakatakdang kumpil sa mga catholic schools at public schools mula ngayong Mayo hanggang sa Agosto subalit pinapayagan ng diyosesis ang mga parokya na magsagawa ng kumpil batay sa itinakdang bilang mga tao sa loob ng simbahan at pagsunod sa safety measures.

Pinahahalagahan ng diyosesis ang kalusugan ng mamamayan at maging sa mga pastol ng bawat parokya bilang bahagi ng pag-iingat.

“Maaaring bawasan ang schedule sa misa ng mga pari na may comorbidities at may iniinom na maintenance medicine, pinakamarami na ang tatlong misa sa araw ng Linggo habang isang misa naman sa bawat araw mula Lunes hanggang Sabado,” ani Msgr. Pedregosa.

Hinikayat din ang bawat isa na makipagtulungan sa mga Local Government Units at Barangay lalo na kung na-expose sa mga indibidwal na nagpositibo sa virus. Patuloy na humiling ng panalangin ang diyosesis para sa kaligtasan ng bawat isa.

Pansamantalang pinangasiwaan ni Msgr. Pedregosa ang Malaybalay makaraang italaga ni Pope Francis si Bishop Jose Cabantan bilang arsobispo ng Arkidiyosesis ng Cagayan noong 2020. Ang Diyosesis ng Malaybalay ay binubuo ng 54 na mga parokya, 97 mga pari na nangangasiwa sa mahigit isang milyong katoliko.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,423 total views

 13,423 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,067 total views

 28,067 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,369 total views

 42,369 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,071 total views

 59,071 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,896 total views

 104,896 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top