2nd collection para sa mga biktima ng bagyong Egay, ipinag-utos ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,820 total views

Nakiisa ang Archdiocese of Manila sa karanasan ng mga biktima ng bagyong Egay na nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon.

Umapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na magkaisang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente lalo na sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at malinis na inuming tubig.

Inatasan ng cardinal ang mga parokya ng arkidiyosesis na magsagawa ng second collection sa mga misa sa Sabado, July 29 at Linggo, July 30 upang makalikom ng pondo para ipamahagi sa mga apektadong diyosesis.

“As we offer our prayers and sacrifices for the victims of typhoon Egay, we will help our brothers and sisters in alleviation of their sufferings,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Ang malilikom na donasyon ng mga parokya ay dadalhin sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila hanggang August 4.

Naglandfall ang bagyong Egay sa bahagi ng Cagayan Province na sakop ng Archdiocese of Tuguegarao na nagdulot ng mga pag-ulan sa Northern Luzon kaya’t inilikas ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan ang mahigit sampung libong katao na naninirahan sa coastal areas.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) 13 national roads sa Northern Luzon ang isinara sa publiko para sa kaligtasan, lima ang nasawi habang ilang indibidwal din ang nasugatan.

Una nang nag-alay ng panalangin ang mga obispo para sa kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga lugar na malakas ang buhos ng ulan at pagbugso ng hangin.

Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa mga apektadong diyosesis para sa relief operations at agad na makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhang mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 57,431 total views

 57,431 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 90,513 total views

 90,513 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 118,864 total views

 118,864 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 186,596 total views

 186,596 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 205,746 total views

 205,746 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top