3-milyong pamilya sa Mega-Manila, napagkalooban ng tulong ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,711 total reads

April 5, 2020, 2:47PM

Mahigit tatlong milyong mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19 pandemic sa nasasakupan ng sampung (10) Diocese at Archdiocese sa Mega-Manila ang nabigyan ng tulong ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila.

Ibinahagi ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Father Anton CT Pascual na “as of April 4, 2020” ay umabot na sa 3,258,995 na miyembro ng mahihirap na pamilya ang nabigyan ng OPLAN DAMAYAN ng tig-iisang libong GC, Ligtas COVID kit at Manna packs.

Sinabi ni Father Pascual na naging bahagi sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado ng Enchanced Community Quarantive ang 631 parokya mula sa 10-Diocese at Archdiocese sa Metropolitan Manila.

Ayon sa pinuno ng Caritas Manila, kabuang 999,112,500 na GC’s na ang naipamigay ng Caritas Manila sa may 651,799 na pamilya bukod pa ang Ligtas COVID kit at Manna packs.

Taos-puso namang nagpapasalamat si Father Pascual sa mga negosyanteng bahagi ng OPLAN Damayan na nagbibigay ng 1.2-bilyong halaga ng GC’s sa tiwalang ipinagkaloob sa Caritas Manila na maging daluyan ng grasya para sa mga urban poor families.

Dahil sa napakalaking epekto ng Luzon-wide Enchanced Community Quarantine sa mga mahihirap na pamilya, umaapela si Father Pascual sa mga Good Samaritan na magbahagi ng kaunting tulong sa kapwang nagdadarahop sa kasalukuyan.

Upang mapalawak pa ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap, magsasagawa ang Caritas Manila at Radio Veritas ng “Damay Kapanalig” Alay COVID telethon sa ika-6 ng Abril, 2020.

Magsisimula ang Damay Kapanalig ALAY COVID telethon ng 7:00AM(ala-siete ng umaga) hanggang alas-sais ng gabi.

Inaanyayahan ni Father Pascual ang sambayanang Filipino na makiisa sa telethon at mag-alay kapwa sa mga apektado ng COVID-19 pandemic ngayong Semana Santa.

Tiwala ang Pari na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay mapagtagumpayan ng mga Filipino ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,194 total reads

 1,194 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 6,229 total reads

 6,229 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 44,144 total reads

 44,144 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 270,415 total reads

 270,415 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,881 total reads

 163,881 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 257,597 total reads

 257,597 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top