Huwag gawing publicity ang pagtulong sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total reads

April 5, 2020, 9:19AM

Nilinaw ni Reverend Father Nolan Que, Regional Trustee ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) na nanahan ang Diyos sa bawat isa sa kabila ng iba’t-ibang pagsubok na kinakaharap.

Sa pagninilay ni Fr. Que sa misang ginanap sa Radio Veritas chapel, iginiit nitong kapiling ng bawat mananampalataya ang Diyos kahit hindi personal na nakadadalo sa mga banal na pagdiriwang lalo ngayong Semana Santa.

“Tandaan natin hindi nawawala ang Diyos, hindi nang-iiwan ang Diyos araw-araw, in good times and bad times,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Que.

Inihayag nitong ang paggamit ng media at makabagong teknolohiya upang maihatid ang mga banal na pagdiriwang tulad ng mga misa ay sapat na upang tugunan ang pangangailangang espiritwal ng mga tao.

Ipinaliwanag ng Pari na bagamat hindi personal nakasalumuha ang mga lingkod ng simbahan at makatanggap ng banal na komunyon, tiniyak nito na ang kapangyarihan ng Diyos ay nanatiling lumulukob sa bawat tahanang nagkakaisa sa pagpupuri sa Panginoon.

“Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi pwedeng limitahan, ang pakikiisa sa banal na pagdiriwang gamit ang media ay pagpapakita ng malalim na pananampalataya,” ayon kay Fr. Que.

BAYANIHAN
Binigyang pansin din ng pari ang pag-iral ng bayanihan sa lipunan kung saan nagtutulungan ang bawat sektor sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, tradisyon at pananaw.

Umaasa si Father Que na ang pagkilos ng bawat isa para matulungan ang kapwa ay hindi pakitang tao lamang kundi ito ang sagisag na pagbabagong dulot ng enhanced community quarantine dahil sa corona virus disease.

“Sana hindi lamang publicity ang pagtulong, bagkus itong ginagawa na pagtulong ay ang pagbabago na dulot ng COVID 19; good things can come out, out of the threat of COVID,” dagdag pa ng pari.

Isang halimbawa dito ang pakikipag-ugnayan ng mga negosyante sa simbahang katolika sa pamamagitan ng Caritas Manila kung saan nakalikom ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng mga gift certificate na ipamamahagi sa isang milyong maralita sa Metro Manila at karatig lalawigan sa pamamagitan ng Project Ugnayan.

Tiwala si Fr. Que na patuloy na ihayag ng bawat isa ang pakikipagkapwa at damayan upang higit na maipalaganap ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa pamayanan.

“Nawa’y gumalaw tayo katulad ng pagkilos ng Diyos,” giit ni Fr. Que.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 20,530 total reads

 20,530 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 44,009 total reads

 44,009 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 114,584 total reads

 114,584 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 201,094 total reads

 201,094 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 244,122 total reads

 244,122 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 292,084 total reads

 292,084 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top