Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nagpapakalat ng fake news na nagdudulot ng “paranoia”, pinuna ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 1,230 total views

April 6, 2020, 12:03PM

Hindi kailanman katanggap-tanggap ang pagpapalaganap ng fake news lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at ng buong daigdig mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Social Communication Chairman Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., hindi nakatutulong para sa kasalukuyang sitwasyon ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa nakahahawa at nakamamatay na sakit na maaring magdulot ng lubos na pangamba at takot sa mga mamamayan.

Nanawagan ang Obispo sa lahat na ibahagi ang tunay na payo ng mga eksperto na pagpapalakas ng resistensya at pangangatawan gayundin ang spiritual nourishment na magbibigay ng pag-asa sa mamamayan.

“Hindi ko maintindihan talaga who ever creates this fake news kung anong gusto talaga nilang ma-achieve dito sa paranoia na nalilikha nila, I really don’t understand them very well but sometimes we have to accept the fact that maraming nagagawa niyan so again do not live in fear. Napakarami din namang lumalabas na na sabihin na natin pages or even impose on how to prevent getting contaminated of this virus and then how to fight the virus by strengthening our body and our immune system. So hindi dapat talaga katakutan siya in the sense na maging paranoid ka dapat cautionary lang ang maidudulot nito.” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang pinaigting ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang isinasagawang “cyber patrolling” sa iba’t ibang social media sites upang labanan ang pagkalat ng fake news kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Maaring maparusahan ng anim na buwan hanggang sampung taong pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news online na maaring magdulot ng takot at matinding pangamba sa publiko.

Hinamon din ng Archdiocese of Manila Social Communication Ministry ang bawat isa na gamitin ang social media sa paninindigan para sa mga adbokasiya at mabuting balita ng Panginoon lalo na ngayong Semana Santa.

Batay sa datos ng Digital 2018 report ng London, United Kingdom-based consultancy na We Are Social, nangunguna pa rin ang Pilipinas sa social media usage sa buong mundo kung saan umaabot sa 9 na oras at 29 na minuto kada araw ang ginugugol ng nasa 67-milyong internet users sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,905 total views

 15,905 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,865 total views

 29,865 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,017 total views

 47,017 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,240 total views

 97,240 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,160 total views

 113,160 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 10,852 total views

 10,852 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 85,366 total views

 85,366 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »
Scroll to Top