Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Noise for Life vs death penalty, isinagawa ng mga Catholic school.

SHARE THE TRUTH

 939 total views

Manila,Philippines– Kabalintunaan ang pahayag ni Oriental Mindoro Rep.Reynaldo Umali na maraming Catholic schools ang sumusuporta sa death penalty bill na mabilis na ni-railroad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa pamba-braso ng pamunuan nito.

Ika-8 ng Marso ganap na alas-dose ng tanghali, sabay-sabay na nagsagawa ang mga Catholic school ng “#NoiseForLife, noise barrage nationwide”.

Ang sabay-sabay na “#NoiseForLife” ay isinagawa sa mga paaralan ng Ateneo de Manila University, Assumption school, Dela Salle University schools, Good Shepherd schools, St.Joseph school, San Beda College at Miriam College.

Layunin ng nationwide noise barrage na pinangunahan ng iba’t-ibang student council, mga guro at pamunuan ng mga Catholic schools na igiit ang matinding pagtutol sa death penalty at patuloy na pagtaas ng extra-judicial killings sa bansa dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Sa panayam ng Radio Veritas, nilinaw ni Ateneo de Manila University President Father Jose Ramon “Jett” Villarin na ang sama-samang pagkilos ng mga estudyante ay patunay ng kanilang matinding pagtutol at pagkondena sa death penalty bill na hindi solusyon sa krimen at kawalan ng kaayusan sa bansa.

Bagamat dismayado, umaasa si Father Villarin na ang mga Senador ay makikinig sa kanilang konsensiya,pakinggan ang tinig ng Panginoon, boses ng lipunan at timbangin sa kanilang loob ang tawag ng panahon.

“Malinaw na malinaw na tinututol ng mga estudyante ang pagbalik ng death penalty. Hindi ito ang solusyon sa krimen at kawalan ng kaayusan sa dito ating lipunan.Gagawin namin ang makakaya Sa senado.Umaasa kami na ang ating mga Senador ay makikinig sa kanilng konsensya, hindi lamang sa kanilang mga paaralan. Pakinggan ang tinig ng Diyos, ng lipunan, at kanilang timbangin at kilatisin sa kanilang loob kung ano ang tawag ng panahon. Dagdag na kamatayan ay hindi solusyon sa nangyayari ngayon sa ating liunan”.pahayag ni Father Villarin sa panayam ng Radio Veritas

Sa isinagawang noise barrage, nanawagan din si dating Commission on Human Rights chairperson Etta Rosales sa mga Senador na ipakita ang tunay na makataong paninilbihan sa taumbayan sa pamamagitan ng pagbasura sa death penalty bill sa Senado.

Sinabi ni Rosales na nasa kamay na ng mga Senador ang kasaysayan ng katarungan at pagmamahal sa buhay.

Nauna rito, binatikos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagbibigay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa estado ng kapangyarihang pumatay sa pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House Bill 4727.

Read: http://www.veritas846.ph/license-to-kill/
(Romeo Ojero)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagsasayang Ng Pera

 6,259 total views

 6,259 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 13,746 total views

 13,746 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 19,071 total views

 19,071 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 24,879 total views

 24,879 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 30,677 total views

 30,677 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Arnel Pelaco

Caritas Manila, nagbigay ng 5.7-milyong pisong financial assistance sa 21-Diocese at Archdiocese sa bansa

 892 total views

 892 total views May 15, 2020, 1:22PM Umabot na sa P5.7 Million Pesos ang financial assistance na ibinahagi ng Caritas Manila sa may 21 Diyosesis sa Pilipinas na naapektuhan ng krisis dulot na mga ipinatupad na Community Quarantine sa bansa dahil sa banta ng COVID-19. Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Caritas Damayan, ang Disaster

Read More »
Uncategorized
Arnel Pelaco

Nagpapakalat ng fake news na nagdudulot ng “paranoia”, pinuna ng Obispo

 896 total views

 896 total views April 6, 2020, 12:03PM Hindi kailanman katanggap-tanggap ang pagpapalaganap ng fake news lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at ng buong daigdig mula sa pandemic na Coronavirus Disease 2019. Ayon kay CBCP – Episcopal Commission on Social Communication Chairman Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., hindi nakatutulong para sa kasalukuyang sitwasyon ang

Read More »
Uncategorized
Arnel Pelaco

Archdiocese of Manila, bumuo ng guidelines sa posibleng pagtanggap sa mga PUI at PUM

 896 total views

 896 total views April 4, 2020, 2:16PM Bumuo ang Archdiocese of Manila ng guidelines sa posibleng pagtanggap na maging quarantine area ng mga Person Under Investigation at mga Person Under Monitoring ng Corona Virus disease ang mga church facility at parishes. Sinabi ni Rev. Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines

Read More »
Uncategorized
Arnel Pelaco

Bawat sanggol ay kayamanan ng mga Filipino

 887 total views

 887 total views Ito ang mensahe ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagdiriwang ng ika-limampung taon ng Humanae vitae o of Human Life. Ayon kay CBCP President, Davao, Archbishop Romulo Valles, natural na sa mga mag-asawang Filipino ang pagkakaroon ng mga anak na bunga ng kanilang pagmamahalan. “For the Filipino, every child is

Read More »
Uncategorized
Arnel Pelaco

Time-out muna sa social media.

 950 total views

 950 total views Abra,Philippines– Pinayuhan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth ang mga kabataan na iwasan muna ang paggamit ng social media bilang bahagi ng pagtitika ngayong banal na panahon ng kuwaresma(Cuaresma). Ayon kay CBCP-ECY chairman Abra Bishop Leopoldo Jaucian, isang paanyaya ito sa mga kabataan upang maiwasan na mapalapit sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top