40 kaso naitatala kada araw; HIV hindi lang usaping pangkalusugan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Hindi lamang usaping pang-kalusugan kundi isang panlipunang kalagayan ang patuloy na pagtaas ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) sa bansa ayon sa opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ito ang inihayag ni Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa panayam ng Radio Veritas.

“Pero kung titingnan natin HIV is also a social aspect. Dahil naparaming factors na dapat tingnan natin para makita natin na itong HIV na ito ay dulot ng iba’t ibang social factors. Kung titingnan natin ang problem tree ng HIV- maraming factors yan youth vulnerability to pornography, youth vulnerability, self concept-papatak yan sa totoong konsepto ng sekswalidad, drugs, prostitution, values formation ng tao. Dahil marami rin ngayong may asawa may extra marital relationship na nagkakaroon din ng HIV,” ayon pa sa pari.

Giit ng pari, hindi lamang dapat tingnan ang nakakahawang sakit bilang usaping pangkalusugan na kinakailangan ng gamot kundi maging sa aspetong panglipunan tulad ng pagkalantad ng mga kabataan sa pornograpiya, ilegal na droga, prostitusyon at hindi pagpapahalaga sa relasyon.

“Kaya nga pinapalaganap natin ngayon yung tamang konsepto ng human sexuality. Kasi parang ang human sexuality ngayon ay isang pisikal lamang na hindi naisasalin sa isang aspeto pa na mas mahalaga sa pagpapahalaga ng relasyon,” ayon sa pahayag ni Fr. Cancino.

Naniniwala rin si Fr. Cancino na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng HIV case sa Pilipinas ay epekto na rin ng awareness campaign kaya’t marami na ang nagpapatingin at nakikitang positibo sa pagkakaroon ng HIV.

Sa tala, aabot sa average na 40 kaso kada araw ang nahahawa ng HIV simula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.

Nangangamba rin ang pari dahil sa pinakamalaking porsyento ng nagkakaroon ng HIV sa kasalukuyan ay nahahawa dito sa pilipinas na dati ay karaniwang nakukuha ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

“Ang OFW dati talaga ang concentration ng population for HIV at hanggang ngayon may nagpopositibo pa rin pero for the past 15 years ay locally transmitted na rin, yun ang mataas na porsyento,” ayon kay Fr. Cancino.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng simbahan sa publiko na maagang magpatingin sa doktor para sa tama at libreng gamutan nang hindi na makahawa pa ng iba.

Giit pa ng pari dapat bawat isa ay bigyan ng pagpapahalaga ang katawan bilang biyaya maging paanyaya sa lahat ng pagbabagong buhay.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 8,203 total reads

 8,203 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 26,946 total reads

 26,946 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 45,153 total reads

 45,153 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 129,484 total reads

 129,484 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 166,857 total reads

 166,857 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 197,955 total reads

 197,955 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top