34 Segunda Mana outlet, bubuksan sa Batangas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Bubuksan ng Caritas Manila ang ika – 34 na outlet ng Segunda Mana sa Tanauan Batangas.

Ito ay nagpapakita ng masigasig na hakbang ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila sa paghahanap ng pamamaraan na higit makatutulong sa mamamayan.
Layunin ng Caritas Manila na mapaunlad ang kabuhayan at pamumuhay ng mga maliliit na sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng komunidad.

Mabibili sa mga Segunda Mana outlet ang mga pre-loved items tulad ng damit, bag, sapatos, laruan, mga kagamitang pambahay at iba pa na donasyon mula sa kilalang mga personalidad, malalaking korporasyon at establisimiyentong nakikiisa sa adhikain ng Simbahang Katolika.

Pangunahing benepisyaryo ng Segunda Mana ang mga scholars ng Caritas Manila – Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) upang matustusan ang pangangailangan ng 5, 000 pinapaaral na scholars sa buong Pilipinas.

Ang Segunda Mana ay isa sa mga hakbang ng Caritas Manila na mapondohan ang YSLEP scholars.

Inihayag ng Caritas Manila na 30,000-pesos ang budget na inilalaan sa bawat batang scholar sa buong taon.

Ang ika – 34 na outlet ng Segunda Mana ay matatagpuan sa 2nd Floor ng Victory Mall and Market Tanauan Batangas na pormal bubuksan sa ika – 4 ng Hulyo ganap na alas onse ng umaga.

Pangunahan ang pagbabasbas ng outlet ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Rosales katuwang ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual, Mr. Nelson Ching, President, Victory Malls Group; at mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sweet Halili at Vice Mayor Jun-jun Trinidad.

Bukod sa mga Segunda Mana outlets sa Metro Manila at karatig lalawigan, inaasahang masusundan ang pagbubukas ng mga outlet sa Visayas at Mindanao bago matapos ang 2019.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 8,783 total reads

 8,783 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SOP

 28,173 total reads

 28,173 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 46,380 total reads

 46,380 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 130,711 total reads

 130,711 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 168,084 total reads

 168,084 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 199,126 total reads

 199,126 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top