Panukalang dagdag sahod at 14 month pay sa mga manggagawa, pinuri ng ALU-TUCP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total views

Suportado ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philipines (ALU-TUCP) ang panukalang 14th month pay at dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo, magandang simulain ang inihaing panukala ng mga mambabatas.

Iginiit ni Tanjusay na mahalagang maipatupad ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa bansa dahil hindi sasapat ang kasalukuyang 537 pisong minimum wage sa pang-araw-araw na pangangailangan.

“Sinusuportahan namin yung panukala na 14th month pay bill ni Senator Sotto subalit separate po ito sa isinusulong namin na dagdag sahod,” pahayag ni Tanjusay sa Radio Veritas.

Sa panig ng Simbahang Katolika, hangad nito ang kapakanan at kabutihan ng mga manggagawa na nagpapaunlad sa mga employer at ekonomiya ng bansa.

Binibigyang diin sa Laborem Exercens ni Saint John Paul II ang dignidad ng tao sa paggawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong benepisyo sa mga manggagawa.

Batay sa Senate Bill No. 10 ni Senator Tito Sotto, makatatanggap ng 14th month pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor kahit isang buwan pa lamang sa trabaho, kahit ano ang employment status, at posisyon sa kumpanya.

Sinasaad din sa panukala na hindi dapat bababa sa basic salary ng empleyado ang tatanggaping 14th month pay.

Sang-ayon naman ang TUCP sa pahayag ni Sotto na hindi sapat ang 25 pisong dagdag sa sahod na ipinatupad noong Nobyembre 2018 kumpara sa mataas na presyo ng bilihin sa kasalukuyan.

“Sabihin namim sa wage board na napakaliit na po ng value ng kasalukuyang sahod kung kaya’t hindi sapat na maitaguyod ng maayos at marangal ang isang pamilyang Filipino at kanyang mga anak,” ani ni Tanjusay.

TAAS PASAHOD

Kinatigan din ng TUCP ang panukalang batas ni Senator Ramon Revilla para sa 125-pisong dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor upang maibsan ang mabigat na pasanin dulot ng mataas na presyo ng bilihin.

Ayon kay Tanjusay, maliit na ang buying power ng mga Filipino sa kasalukuyang minimum wage at pawang mga malalaking negosyante ang nakikinabang sa pag-unlad ng ekonomiya at paggawa ng mga Filipino.

“Ang liit na ng value yung buying power ng kasalukuyang sahod higit sa lahat lumalago yung ating ekonomiya, lumalago yung ating mga negosyo sa bansa at tumataas ang productivity ng mga manggagawa pero ang yumayaman ay yung mga negosyante, yumayaman ay ang kaban ng gobyerno pero yung mga manggagawa na tumulong para itaguyod at iunlad yung ekonomiyang ito ay nananatiling mahirap,” dagdag pa ni Tanjusay sa Radio Veritas.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ALU-TUCP sa mga negosyante at gobyerno upang makagagawa ng mga polisiya para sa ikaaangat ng pamumuhay ng mga manggagawang Filipino sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 221,444 total views

 221,444 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 251,667 total views

 251,667 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 278,311 total views

 278,311 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 373,284 total views

 373,284 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,977 total views

 379,977 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top