5-dekadang pakikimuhay at pakikibahagi sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino, ipagdiwang ng Little Sisters of Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,460 total reads

Ipinagdiriwang ng Little Sisters of Jesus–Philippines ang kanilang Golden Jubilee sa Agosto 15, 2026, tampok ang limang dekada ng tahimik na pakikipamuhay at pakikibahagi sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas, ibinahagi ni Sr. Maria Elizabeth de Jesus, Social Communications in-charge ng Little Sisters of Jesus–Philippines na nagsimula ang kanilang misyon sa bansa noong 1976 matapos silang imbitahan ng yumaong si Marawi Bishop Bienvenido Tudtud na maglingkod sa Prelature of Marawi, sa panahong nakararanas ang lugar ng kaguluhan at karahasan.

“Nag-start kami dito noong 1976. In-invite kami ni Bishop Tudtud noon na pumunta sa Prelature of Marawi,” Bahagi ng pahayag ni Sr. Maria Elizabeth.

Bagama’t hindi sila tuluyang nakapagtatag ng permanenteng komunidad sa Marawi, nagkaroon ang kongregasyon ng mga presensya sa iba’t ibang komunidad, kabilang ang Boso-Boso, Bicutan, Iligan, Quezon City at ngayon ay sa Masbate at Mandaluyong.

Binigyang-diin ni Sr. Maria Elizabeth na ang kanilang misyon ay hindi lamang tungkol sa pangangaral o malalaking proyekto kundi sa simpleng pakikipamuhay sa mga tao.
“We live and we work like the people in the community through the ordinary presence of friendship like Jesus of Nazareth,” Paliwanag ni Sr. Maria Elizabeth.

Pagbabahagi ni Sr. Maria Elizabeth, nakikibahagi ang mga madre sa karaniwang trabaho ng mga komunidad, kabilang ang pagtatrabaho sa mga pabrika, bahay, bakery at iba pang blue-collar jobs upang mas makilala at makasama ang mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Para kay Sr. Maria Elizabeth, mahalagang maranasan muna ang kanilang bokasyon upang tunay itong maunawaan.“It has to be lived,” Ani Sr. Maria Elizabeth.

Higit sa pakikiisa, tinukoy din ng madre ang kanilang buhay bilang isang “contemplative presence” o isang presensyang nakikinig sa kuwento at pakikibaka ng mga tao at dinadala ang mga ito sa panalangin.
“Hindi lang talaga ‘yan pakikiisa, kundi it’s a contemplative presence. ‘Yun ‘yung in-emphasize namin. We are not organizers, or to bring big projects, but it’s a contemplative life to be like Jesus in Nazareth… It is there that we encounter God in the daily struggles ng mga tao,” ani Sr. Maria Elizabeth.

Ayon sa kongregasyon, ang limang dekadang misyon ng Little Sisters of Jesus ay nagpapaalala na ang pagmimisyon ay hindi lamang nasusukat sa malalaking programa kundi sa presensya, pakikinig, pakikipagkaibigan at pakikibahagi sa buhay ng kapwa.

Pagbabahagi ni Sr. Maria Elizabeth, sa pagdiriwang ng kanilang Golden Jubilee ay patuloy na isinasabuhay ng Little Sisters of Jesus–Philippines ang espirituwalidad ng Nazareth, na tahimik ngunit tapat na presensya ni Hesus sa ordinaryong buhay bilang paraan ng pakikilakbay sa mga komunidad at paghahanap sa Diyos sa gitna ng kanilang pang-araw-araw na karanasan.

Nakatakda ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kanilang paglilingkod sa Pilipinas sa August 15, 2026 na gaganapin sa San Roque Parish sa Mandaluyong City, na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,275 total reads

 233,275 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 265,006 total reads

 265,006 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,830 total reads

 366,830 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,393 total reads

 407,393 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,422 total reads

 418,422 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top