5-milyong Pilipino, apektado sa reclamation at dredging project sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,265 total reads

Mahigit sa limang milyong Filipino ang apektado sa ginagawang reclamation at dredging sa Manila bay. Inihayag ni Fernando Hicap-pangulo ng Pambansang lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa panayam ng Radyo Veritas dahil sa patuloy na operasyon ng malalaking kompanya ay naisasantabi ang kabuhayan at pang araw-araw na buhay ng mga mangingisda at mga nakatira malapit sa coast line ng Manila Bay dahil lamang sa sinasabing pag-unlad.

Bukod pa ito sa mga manggagawa sa mga pantalan at transport sectors at kanilang pamilya na umaasa sa kabuhayan sa Manila Bay.

“Irreversible ang impact niya hindi na natin pwedeng ibalik kapag nakita natin na maliit yung ating ginagawa na tinabunan natin yung Manila Bay hindi po natin siya maibabalik,” ayon kay Hicap.

Dalawang taon na simula ng isagawa ang reclamation at dredging sa Manila na pumipinsala sa corals at mga lamang dagat na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa baybayin.

“From 2021 at ngayong taon halos 80% talaga yung total na production ng huli ng mga mangingisda ay nawala dahil nga dito sa tinambakan at pagsira ng bakuran natin pero napatunayan yan nung February 24, nagkaroon tayo ng diyalugo sa BFAR central office at isa sa pinag-usapan namin ay itong dredging na nagaganap sa Manila Bay,” dagdag pa ni Hicap.

Patuloy naman ang panawagan ng grupo sa pamahalaan na itigil na ang isinasagawang operasyon ng mga malalaking kompanya sa Manila Bay. Sa datos, mayroong 187-reclamation projects ang isinasagawa sa buong bansa kabilang na ang 22-proyekto sa Manila Bay.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,324 total reads

 10,324 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,715 total reads

 65,715 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,080 total reads

 151,080 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,817 total reads

 197,817 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,689 total reads

 245,689 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,416 total reads

 346,416 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top