Bureau of Customs puspusan ang kampanya laban sa iligal na produktong ipinupuslit sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,085 total reads

Puspusan ang ginagawang kampanya ng Bureau of Customs laban sa mga iligal na produkto na ipinupuslit sa bansa.

Nasabat ng BOC-Port of Legazpi sa pamamagitan ng Customs Border Protection Team (CBPT) katuwang ang Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at Philippine Coast Guard-Sorsogon ang 16 karton na naglalaman ng 758 ream ng smuggled na sigarilyo sa Matnog Port sa Sorsogon.

Ayon sa adwana, ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.06 milyon ay isinakay sa Urvan Shuttle mula sa Ongpin, Manila at dadalhin sana sa Cebu City. Wala umanong ligal na dokumento at revenue seal ang mga sigarilyo.

Sinabi ni Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte Jr. na ang pagkakasabat ng mga smuggled na sigarilyo ay alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na palakasin ang kampanya laban sa smuggling.

“The BOC’s Border Patrol team will continue to strictly enforce our customs laws and regulations, in accordance with one of the five-point agendas of Commissioner Rubio: to curb smuggling in the country and collect lawful revenue,” sabi ni Barte.

Kamakailan ay naharang din ng mga tauhan ng BOC sa Port of Clark ang P3.9 milyong halaga ng kush o high grade marijuana na itinago sa mga lata at idineklarang tsaa. Nanggaling ito sa California, USA.

Pinuntahan din ng BOC ang anim na warehouse sa Metro Manila at doon nadiskubre ang P150 milyong halaga ng produktong agrikultural na pinaghihinalaang smuggled.

Hinihingi na ng BOC sa mga may-ari ang mga dokumento kung papaano naipasok sa bansa ang naturang mga kargamento at patunay na tama ang binayarang buwis sa mga ito.

Sa unang quarter ng 2023 ay umabot na sa P19.2 bilyong halaga ng smuggled goods ang nasabat ng BOC.

Pinakamarami ang nasabat na pekeng branded na produkto na may kabuuang halagang P13.249 bilyon. Ang mga produktong agrikultural na nasabat ay nagkakahalaga naman ng P2.552 bilyon, at ang sigarilyo at iba pang tobacco product ay P1.748 bilyon.

Mayroon din umanong nasakoteng ipinagbabawal na gamot ang BOC na may kabuuang halagang P849 milyon.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,345 total reads

 10,345 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,738 total reads

 65,738 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,103 total reads

 151,103 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,840 total reads

 197,840 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,712 total reads

 245,712 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,439 total reads

 346,439 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top