500YOC, isang pasasalamat at pagdiriwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total reads

Ang paggunita sa ika-500 daang taong anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa ay isang pagdiriwang sa makasaysayang yugto ng kasaysayan at pananampalataya ng mga Filipino.

Ito ang mensahe ni Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa Bishop Socrates Mesiona – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission kaugnay sa Pista ng Pananampalataya at Misyon isang online celebration ng Jubilee Year ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, hindi dapat maging hadlang ang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa upang makapagpahayag ng kasiyahan at pagpapasalamat ang mga Filipino sa biyaya ng pananampalatayang Kristiyano na ipinagkaloob ng Panginoon sa Pilipinas limang-daang taon na ang nakakalipas.

Ipinaliwanag ni Bishop Mesiona na ang paggunita sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa ay isang pambihirang pagkakataon upang maipadama sa Panginoon ang lubos na pasasalamat.

“Tayo po ay nagsasaya dahil sa ating pong ipinagdiriwang ang isang makasaysayang yugto ng ating pananampalataya ang ikalimang siglo ng pagdating dito sa ating bansa. Ito po ay once in a lifetime na pangyayari sa ating buhay kaya dapat tayong magpahayag ng ating kasiyahan, magpasalamat sa Diyos dahil ito’y isang napakahalagang kaloob niya sa atin, kaya kahit tayo ay nasa gitna pa ng isang pagsubok sanhi ng pandemya na dala ng COVID-19 ay sinisikap natin ipadama at ipahayag ang ating taus-pusong pasasalamat sa Diyos…” mensahe ni Bishop Socrates Mesiona.

Ibinahagi ng Obispo na hindi nagkataon sa halip ay sadyang pinili at biniyayaan ng Panginoon ang mga Filipino ng pananampalatayang Kristiyano na dapat ay patuloy pang palaguin at palaganapin.ng bawat isa.

Una ng hinamon ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang mga Filipino na patuloy pang palalimin at ipalaganap ang pananampalataya na natanggap ng bansa 500 taon na ang nakakalipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 33,403 total reads

 33,403 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 131,352 total reads

 131,352 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 175,621 total reads

 175,621 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,730 total reads

 198,730 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 272,307 total reads

 272,307 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top