Pahalagahan ang pananampalatayang tinanggap, hamon ng Arsobispo ng Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na pahalagahan ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap ng bawat isa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa pagsisimula ng triduum celebrations para sa pagdiriwang ng unang binyag sa bansa na naganap 500 taon ang nakalipas.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na ang bawat pagbibinyag ay magsilbing paalala sa bawat kristiyano ng pagtanggap sa dakilang habag, awa at pag-ibig ng Panginoon.

“Because of God’s love and mercy we receive the blessing of a new life; and so we are reminded to treasure this gift,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Abril 11 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Divine Mercy ay isinagawa ng arkidiyosesis ang pagbibinyag sa 100 sanggol bilang hudyat ng pagsisimula sa triduum celebrations.

Ito ay ginanap sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Cebu City.

Sinabi pa ni Archbishop Palma na bagamat sa kasalukuyan ay hindi pa maunawaan ng mga bininyagang sanggol, darating ang panahon na kanilang ipagpasalamat sa Diyos ang pagtanggap ng kaloob na kristiyanismo sa makasaysayang pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo.

Nagagalak ang arsobispo kasabay ng paalala sa mga magulang na sa pagbibinyag ng kanilang mga anak ay magiging ganap na bahagi na ito ng sambayanan ng Diyos.

“They are your children. But the moment they are baptized, they become children of God – members of the Church, heirs of the kingdom of God. What a great privilege! All because of God’s mercy and love,” ani ng arsobispo.

Katuwang ni Archbishop Palma sa mass baptism si Cebu Archbishop Midyphil Billones at Palo Archbishop John Du kasama ang ilang pari ng arkidiyosesis.

Batay sa kasaysayan Abril 14, 1521 nang unang inihasik ng misyonerong Espanyol ang binhi ng pananampalataya sa lalawigan ng Cebu kung saan unang tumanggap sina Raja Humabon, Reyna Juana at iba pang kasamahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 35,119 total reads

 35,119 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 133,006 total reads

 133,006 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 177,275 total reads

 177,275 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 200,384 total reads

 200,384 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 273,885 total reads

 273,885 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top