6 na pambato sa 2022 national election, inihayag ng 1Sambayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 834 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng 1Sambayan na pambansang koalisyon na binuo para sa 2022 national elections ang lahat na makibahagi sa paghahanda para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay 1Sambayan Chairman at Lead Convenor retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, lamang sa mismong araw ng halalan dapat na magkaisa ang sambayanan kundi maging sa paghahanda upang matiyak na magiging maayos, matapat at matagumpay ito.

Sinabi ni Carpio na dapat mula sa simula ay maging aktibo na ang bawat mamamayan sa paglaban para sa kapakanan ng bayan.

“Sa araw ng botohan pantay-pantay ang boses ng bawat Filipino, ang boto mo at boto ko parehas ng timbang. Ngayon may boses ka na rin sa pagpili ng mga pangalang pagpipilian mo sa balota mo. Download the 1SAMA App and be part of 1Sambayan, sa tulong mo hindi masasayang ang boto nating lahat dahil may boses ka na sa umpisa palang ng laban para sa bayan.” pahayag ni Carpio.

Sa naganap na ‘Isang Boto, Isambayan – Piliin ang ating pambato’ ng 1Sambayan kasabay ng paggunita ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa, inihayag ng 1Sambayan ang inisyal na listahan nito ng mga nominado at pagpipiliang kandidato para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Kabilang sa anim na mga pinangalanan ng 1Sambayan ay sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, Deputy Speaker CIBAC Partylist Rep. Eduardo “Bro. Eddie” Villanueva, Human Rights Lawyer Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno, formen Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV at Deputy Speaker Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Ayon kay Brother Armin Luistro, FSC, Provincial Superior ng De La Salle Brothers in East Asia at isa sa mga Convenor ng 1Sambayan, nakausap ng pamunuan ng koalisyon ang mga pinangalanang personalidad na pawang pumayag na mapasama sa listahan ng mga pagpipiliang kandidato para sa dalawang pinakamahalagang posisyon.

Inihayag ni Luistro na kabilang sa napagkasunduan ay ang pagpapaloob ng mga ito sa proseso ng pagpili ng 1Sambayan at ang pagbibigay galang at suporta sa kung sino man ang opisyal na mapipili upang magsilbing kandidato para sa oposiyon.

Layunin ng koalisyon na maisulong ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga grupo at sektor upang manindigan kung sino ang mga nararapat na mga opisyal na makabubuti para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 149,989 total reads

 149,989 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,017 total reads

 223,017 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,465 total reads

 256,465 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,764 total reads

 291,764 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,475 total reads

 512,475 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top