60 kabataan, kinumpilam ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,658 total reads

Nakatanggap ng Sakramento ng Kumpil ang 60 kabataang palaboy na kinukupkop ng Tulay ng Kabataan Foundation o ANAK-TNK.

Pinangunahan ito ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pamamagitan ng banal na Misa sa Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine.

Sa kanyang pagninilay, ipinaliwanag ni Cardinal Advincula na ang pagpapahid ng langis sa noo ng mga kumpilan ay pagpapatibay ng kanilang pagiging kabilang sa simbahan, at pagkilala sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

“Ang Sakramento ng Kumpil ay isang mahalagang sakramento ng ating simbahang katolika sapagkat sa pamamagitan nito ay napapalalim ang ugnayan natin sa Espiritu Santo na tinanggap natin noong tayo ay binyagan.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tagubilin ng kardinal na nawa’y sa pamamagitan ng Kumpil ay buong pusong tanggapin ng mga kabataan ang pagpapalang taglay ng Espiritu Santo tungo sa pagiging mabuting Kristiyano.

Maliban sa 60 kabataan, anim na tauhan din ng ANAK-TNK ang nakatanggap ng Sakramento ng Kumpil.

“Kapag pala sumasaatin ang Espiritu Santo, kayang-kaya nating maging mabait at gumawa ng mabuti para sa kapwa… Kailangan natin ang Espiritu Santo upang katulad ni Hesus, palagi pa kayong maging mabait at mabuti sa ating kapwa.” ayon kay Cardinal Advincula.

Saksi naman sa pagdiriwang si ANAK-TNK executive director French Missionary Fr. Matthieu Dauchez, at EDSA Shrine rector Fr. Jerome Secillano.

Sinabi ni Fr. Dauchez na ang tinanggap na sakramento ng mga kabataan ay maituturing na mahalagang bahagi ng kanilang buhay sapagkat dito’y naipadama na sila’y tanggap at mahal ng Panginoon sa kabila ng kanilang pinagdaraanan.

Ibinahagi naman ng pari na kabilang sa mga kinupkop ng ANAK-TNK si Servant of God Darwin Ramos na ngayo’y nasa proseso ng beatification at canonization tungo sa pagiging ganap na banal ng simbahan.

Hiling ng pari na sa pamamagitan ni Servant of God Darwin Ramos ay magsilbi nawang inspirasyon sa mga kabataan na sa kabila ng kahirapan at kapansanan ay hindi nawalan ng pag-asa, bagkus ay higit pang inialay ang buhay para sa Panginoon.

“Servant of God Darwin Ramos became the special figure of the foundation. Dahil sa inspiration ni Darwin, umaasa akong ang dinadalang sugat sa puso ng mga batang kinupkop ng Tulay ng Kabataan, sa tulong ni Servant of God Darwin Ramos ay mawawala at matatanggap ang healing sa kanilang mga puso.” ayon kay Fr. Dauchez.

Ang Tulay ng Kabataan Foundation ay institusyong nagsisilbing tahanan na tumutulong sa mga bata at matatandang palaboy, inabandona, at mga biktima ng pang-aabuso.

Simula taong 1998, umabot na sa 60-libong kabataan sa Metro Manila ang natulungan ng Tulay ng Kabataan sa halos 40 centers nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 183,590 total reads

 183,590 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 254,476 total reads

 254,476 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 287,925 total reads

 287,925 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 323,224 total reads

 323,224 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 542,384 total reads

 542,384 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,004 total reads

 161,004 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top