7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections.

Ito ang panawagan ni PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra sa may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.

Ayon kay Buenaobra, napakahalaga ng partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.

“Nananawagan po tayo na ang ating mga kababayan na na-deactivate na po, magrehistro po kayo kasi high stakes election po ang 2022 National and Local Elections po ito at kailangan po kayong, kailangan po ninyong gamitin ang karapatan ninyo para bumoto.” pahayag ni Buenaobra sa Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.

Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.

“Magkakaroon po tayo ng pakikipag-usap sa mga dioceses para sana po ay sumama po sila sa ganitong kampanya na himukin ang mga kabataan at yung mga deactivated, OFWs at yung mga nandito sa Pilipinas na mag-activate po uli sila para makasama uli sila sa tala, sa statistics ng mga botante.” Dagdag pa ni Buenaobra.

Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022.

Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.

Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bomoto sa dalawang magkasunod na halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 89,216 total reads

 89,216 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 183,246 total reads

 183,246 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 227,514 total reads

 227,514 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 250,623 total reads

 250,623 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,727 total reads

 321,727 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top