Basura at river reclamation, itinuturong dahilan ng pagbaha sa Maasin city

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,962 total views

Basura at river reclamations ang maaring dahilan ng mataas na pagbaha sa Maasin City makaraan ang pananalasa ng bagyong Dante.

Ayon kay Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin, kumitid ang daluyan ng mga tubig dahil na rin sa reclamation at pagpapagawa ng riprap sa mga ilog.

At dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa bagyo ay umapaw ang ilog kasama na ang mga basura.

“Kino-call out na rin natin… we are in talking terms with the DPWH as of the moment, nakikita din nila yun tsaka in the coming days yata ay we will ask for updates regarding our observations as to the, yung mga nirereclaim na rivers. So ‘yun talaga ang isa sa pinakaproblema,” ayon kay Fr. Harlem sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Dagdag pa ng pari, ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng limang taon na umabot ng hanggang sa leeg ang taas ng baha sa lungsod.

Tinatayang may 11 pangunahing ilog sa Maasin, Southern Leyte kabilang na ang Canturing sa Maasin City.

BACK TO NORMAL

Higit naman sa 10 libong katao ang pansamantalang lumikas dahil sa pagtaas ng tubig.

Ayon kay Fr. Gozo, karamihan sa mga naapektuhang residente ay lumikas sa parokya kung saan 1,651 mga bahay sa Maasin City ang binaha dulot na rin ng pag-apaw ng ilog.

Ayon sa pari, umabot ang taas ng tubig ng hanggang sa leeg lalu na sa mga pamayanang malapit sa ilog kung saan hindi rin nakaligtas sa mga binaha ang mga commercial establishment sa lungsod.

Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Gozo ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residente sa paghupa ng baha.

Patuloy namang ang isinagawang assessment ng social action center sa iba pang nasasakop na lugar ng diyosesis upang makita ang kalagayan ng mga naapektuhan ng bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 97,403 total views

 97,403 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 127,626 total views

 127,626 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 154,275 total views

 154,275 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 249,248 total views

 249,248 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 263,917 total views

 263,917 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top