Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

SHARE THE TRUTH

 87,786 total views

July 16, 2020, 1:38PM

Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City.

Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko.

Ito ay matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force ang mga simbahan na tumanggap ng mga dadalo sa misa na 10-porsyento lamang ng kanilang kabuuang kapasidad.

Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish Priest ng Katedral, malaking hamon para sa simbahan ang pandemyang COVID-19.

Gayunman tinitiyak ng katedral na hindi ito malayo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga online mass, pamimigay ng pagkain sa mga nasa lansangan at pamamahagi ng mahigit P300,000 na halaga ng mga relief items sa mga barangay na nasasakupan nito.

“A parish is a community of love. Now more than ever, we are called to take care of the poor. Before this crisis, the Philippines is a poor country, now we have become poorer. Joblessness, hunger, and poverty will become severe. We do not know yet how, but we have to do something,” mensahe ni Fr. Soriano.

Nangako si Fr. Soriano na patuloy na maglilingkod ang simbahan lalo na ngayong panahon ng krisis kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay at lalo pang naghirap ang mamamayang Pilipino.

Taong 1935 nang itatag ng mga pari ng Society of the Divine Word ang maliit na simbahan na ngayon ay nagsisilbing katedral ng Diyosesis ng Cubao.

July 15,1950 nang pormal itong maideklara bilang Parokya ng Inmaculada Concepcion at nalipat sa pangangalaga ng Archdiocese of Manila noong April 30, 1990.

Ika-28 ng Agosto 2003 naman ng maiproklama ito bilang katedral ng Diocese of Cubao sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Honesto Ongtioco.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 19,939 total views

 19,939 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 28,254 total views

 28,254 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 46,986 total views

 46,986 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 63,175 total views

 63,175 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 64,439 total views

 64,439 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 87,720 total views

 87,720 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,841 total views

 116,841 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 19,987 total views

 19,987 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top