700 mananampalataya, nakiisa sa Walk for Creation 2023

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,629 total reads

Humigit-kumulang 700 mananampalataya ang nakiisa sa ginanap na Walk for Creation 2023 sa loob ng Christ the King Mission Seminary sa Quezon City.

Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang kongregasyon, institusyon, at kristiyanong denominasyon bilang simbolo ng sama-samang pagkilos sa iisang hangaring pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

Kabilang sa mga nakibahagi sa pagtitipon si Lipa Archdiocesan Ministry on Environment Director, Franciscan Capuchin Fr. Mike Flores, at inihayag na ipinakita ng makahulugang gawain ang pagkakaisa ng iba’t ibang denominasyon upang manawagan ng pagtugon sa kinakaharap na krisis sa klima ng bansa at daigdig.

“Napakagandang pagpapakita ito ng pagkakaisa ng ecumenical community na ang lahat ng nagkatipon dito ay mayroong kamalayan at mayroon talagang masidhing pagnanais na makatugon dito sa mga challenges na kinakaharap natin ngayon lalo na we are in the climate emergency,” pahayag ni Fr. Flores sa panayam ng Radio Veritas.

Kasabay ng paglalakad at pananalangin ay itinampok din sa gawain ang pagninilay sa iba’t ibang usaping nangyayari sa kalikasan at lipunan na nangangailangan ng pagtugon.

Kabilang na rito ang patuloy na pang-aabuso ng mga tao sa likas na yaman, pagbabanta sa buhay ng mga tagapagtanggol ng kalikasan, mga mapaminsalang proyekto, at ang iba’t ibang polusyon sa kapaligiran.

Pagbabahagi naman ni Fr. Flores na ang pagtitipon ay paraan din ng paghingi ng biyaya mula sa Diyos na lumikha upang patuloy na gabayan sa tungkuling itaguyod at pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

“So, itong pagdarasal ngayon ay isang paghingi rin talaga ng grasya sa Diyos. Kasi we cannot do this with ourselves even though we have this effort, but we rely talaga mainly on God’s grace,” saad ng pari.

Matapos naman ang paglalakad ay isinagawa ang ecumenical service sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, katuwang ang Philippine Council of Evangelical Churches, at National Council of Churches in the Philippines.

Taong 2017 nang ilunsad ang Walk for Creation, na bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation, sa pangunguna ng Global Catholic Climate Movement-Pilipinas na ngayo’y kilala na bilang Laudato Si’ Movement Pilipinas.

Ngayong taon ang unang beses ng ecumenical celebration ng Season of Creation na layong ipalaganap ang sama-samang paglalakbay at pananalangin ng iba’t ibang pananampalataya at denominasyon, alinsunod sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si’ para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Tema ng Season of Creation 2023 ang Let Justice and Peace Flow na hango sa mga kataga ni Propeta Amos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,405 total reads

 25,405 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,152 total reads

 123,152 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,522 total reads

 208,522 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,259 total reads

 255,259 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,129 total reads

 303,129 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,890 total reads

 400,890 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,393 total reads

 172,393 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top