Pagbura sa kasaysayan ng mga kalupitan sa ilalim ng diktadurang Marcos, ikinabahala ng SCMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,090 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Ecumenical youth group na Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa planong burahin sa kasaysayan ang mga kalupitan na naganap sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay SCMP National Chairperson Kej Andres, nakababahala ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na pagbabago sa terminong “Diktadurang Marcos” na gagawin na lamang “Diktadura” sa Araling Panlipunan curriculum ng mga mag-aaral sa Grade 6.

“Christian youth are deeply disturbed by this curriculum change proposal to distort the grim reality of the Marcos dictatorship,” Ang bahagi ng pahayag ni Andres.

Iginiit ni Andres na ang hakbang ng DepEd Bureau of Curriculum Development (BCD) ay isang tahasang pagbabago ng kasaysayan at insulto sa mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.

“DepEd is spitting on the graves of numerous martyrs and heroes who fought the dictatorship, including church people who have been inspired by faith seeking justice from the horrors of martial law,” Dagdag pa ni Andres.

Inihayag ng ecumenical youth group na isang hamon para sa lahat ang patuloy na pagsusulong ng katotohanan sa lipunan lalo na sa gitna ng tahasang tangka na linisin at burahin ang apelyido ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mula sa terminong “Diktadurang Marcos” sa textbook ng mga mag-aaral mula sa ika-anim na baytang.

Ipinaliwanag ni Andres na hindi dapat ipagkait sa mga nakababatang henerasyon ang kanilang karapatan na lubos na maunawaan ang konteksto ng kasaysayan at epekto ng batas militar sa ating bansa.

“It is the duty of everyone–teachers, students, parents, and church people–to teach about the horrors of the Marcos dictatorship and to inspire the next generation to stand up against wannabe dictators especially under a Marcos-Duterte rule. The truth sets us free, and teaching that the Marcos dictatorship caused massive human rights violations and economic exploitation urges us to stand up and say never again to fascist dictatorship!” Ayon pa kay Andres.

Unang iginiit ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na ang hakbang ng DepEd ay maituturing na paglabag sa Republic Act 10368 o Marcos Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 na kumikilala sa mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang pantao ng rehimeng Marcos.

Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law, umaabot sa 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng dating administrasyong Marcos kung saan tinatayang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at rehimeng Marcos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,496 total reads

 25,496 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,277 total reads

 123,277 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,647 total reads

 208,647 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,384 total reads

 255,384 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,254 total reads

 303,254 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 401,011 total reads

 401,011 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top