750 pesos na dagdag sa sahod sa minimum wage earners, suportado ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,052 total reads

Kinilala ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pagsusulong ng Makabayan Bloc ng House Bill No.7568 o ang Act Mandating a 750-pesos across the board and nationwide increase in the salary rate of employees.

Ayon kay Father Noel Gatchalian – CWS National Capital Region chairman, napapanahon  ang karagdagang suweldo upang makasabay ang mga manggagawa sa mabilis at napakataas na inflation rate.

“Kaya naman kinakailangan na ituloy yung dagdag sahod na panukala ng Makabayan Bloc, tingnan niyo ang pinapansin ng ating mga namamahala, kagustuhan nila yung baguhin, i-ammend yung constitution samantalang napakaganda naman ng 1987 constitution, makatao, makadiyos, makapamilya at ang lahat ng ito ay gagastusan nila ng napakalaking 10 to 15 billion,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Gatchalian.

Naniniwala din ang Pari na hindi magdudulot ng labis na pagtaas ng inflation rate ang panukalang batas, sa halip ay makakatulong ito upang makapamuhay ng may dignindad ang mga manggagawa at kanilang pamilya.

Sinasabi sa pag-aaral ng Ibon Foundation na 1,140-pesos ang family living wage sa mga manggagawang sinuportahan ang pamilyang mayroong limang miyembro.

Inihayag ni Fr.Gatchalian na makatao lamang ang umento sa sahod ng mga manggagawa dahil kumita naman noong pandemic ang mga employers.

“Ang mga malalaking kompanya kahit na noong pandemya, kumita yan, kumita na maraming savings sila, bakit naman hindi sila maging makatao? maging makatarungan? mabigyan man lang ng kaunting dagdag ang sahod ng mga manggagawa,”pahayag ng pari sa Radio Veritas.

Kapag naisabatas ang HB 7568 ay aabot ng 1,091 pesos hanggang 1,320 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa mula sa kasalukuyang 341 pesos sa mga lalawigan at 570-pesos sa National Capital Region.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,272 total reads

 22,272 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,399 total reads

 22,399 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,789 total reads

 39,789 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,195 total reads

 96,195 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,696 total reads

 219,696 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 303,096 total reads

 303,096 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 52,517 total reads

 52,517 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top