8.1-bilyong pisong budget ng NTF-ELCAC, binatikos ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 108,375 total views

Muling nagpahayag ng paninindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at Caritas Philippines para sa tunay na kapayapaan, kaunlaran, at paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino.

Ito ang bahagi ng mensahe ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP sa bagong pastoral letter kaugnay sa panukalang ₱8.1 bilyong badyet para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Ayon kay Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, mahalagang isulong ang tunay na kapayapaan, kaunlaran, at paggalang sa dignidad ng bawat Pilipino lalo na para sa mga dukha, mahihina, at mga pamayanang patuloy na nakararanas ng sigalot.

Sa gitna ng kakapusan ng pondo ng bayan at patuloy na paglaganap ng kahirapan, iginiit ng Caritas Philippines na nararapat suriing mabuti ang panukalang alokasyon, lalo’t inilalarawan ito bilang gantimpala sa mga lokal na pamahalaan at barangay na idineklarang cleared ng insurgency.

“Caritas Philippines and ECSA-JP stand with communities in their struggle not only for assistance, but for dignity; not only for projects, but for justice; not only for temporary calm, but for a peace that is rooted, inclusive, and lasting.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng Simbahan na ang kapayapaan ay hindi gantimpala o pabor na ipinagkakaloob, kundi bunga ng katarungan.

Bagamat kinikilala ng Simbahan ang hangarin ng pamahalaan na maghatid ng kaunlaran sa mga apektadong lugar, iginiit nito na hindi sapat ang mabuting layunin kung ang paraan ay sumisira sa katarungan, dignidad ng tao, at demokratikong partisipasyon.

Nanawagan ang Simbahan sa pamahalaan na ituon ang pondo at mga programa sa mga hakbang na tunay na nagtataguyod ng katarungan, partisipasyon ng mamamayan, at inklusibong kaunlaran—bilang pundasyon ng isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 108,402 total views

 108,401 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 131,561 total views

 131,561 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 152,835 total views

 152,835 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 314,040 total views

 314,040 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 5,831 total views

 5,831 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top