God is being cancelled in the Philippines-Msgr. Figueiredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 118,297 total reads

Naniniwala si Msgr. Anthony Figueiredo, Director of International Affairs ng Custodian ng Pericardium Relic ni San Carlo Acutis, na mahalagang muling paigtingin ang pananampalataya ng mga Pilipino sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng bansa.

Sa panayam sa Radyo Veritas, binanggit ni Msgr. Figueiredo ang mga hamong panlipunan tulad ng korapsyon, pagkakahati-hati, at karahasan mga suliraning hindi lamang nararanasan sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We are at a time when God is being cancelled in the Philippines… because others have made themselves God,” pahayag ng pari.

Ayon kay Msgr. Figueiredo, mahalagang maibalik ang sentrong papel ng Panginoon sa buhay ng tao upang matugunan ang mga hamong ito, lalo na sa pamamagitan ng mas malalim na pag-unawa at debosyon sa Eukaristiya.

“If we truly understood the real presence of Jesus in the Eucharist, this world would be transformed,” aniya.

Kaugnay nito, umaasa ang pari na ang Pericardium Relic pilgrimage ni San Carlo Acutis sa Luzon ay magsisilbing daan upang mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan, partikular ng mga kabataan.

Aniya, natatangi si San Carlo Acutis dahil ginamit nito ang kanyang talento sa teknolohiya upang ipalaganap ang pananampalataya sa makabagong paraan, kabilang ang paggamit ng internet upang itaguyod ang debosyon sa Eukaristiya.

Hinimok ni Msgr. Figueiredo ang kabataan na gamitin ang digital media nang may disiplina at pananagutan upang maibahagi ang mensahe ng Ebanghelyo.

“Carlo Acutis is a word of hope for the Philippines, proof that goodness exists and that holiness is possible today,” ayon sa pari.

Ibinahagi rin ni Msgr. Figueiredo ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa pilgrimage, na tumagal ng 18 araw at bumisita sa 40 iba’t ibang lugar sa Luzon. Tampok sa mga gawain ang mga banal na misa, prusisyon, overnight vigils, at mga pagtitipon kasama ang kabataan.

“Phenomenal is the word I would use to describe the Luzon pilgrimage,” ani Msgr. Figueiredo.

Dagdag pa ng pari, nakatakdang dalhin ang Pericardium Relic ni San Carlo Acutis sa mga lalawigan sa Visayas sa susunod na taon, at sa mga susunod na pagkakataon ay sa Mindanao.
Sa huli, hinikayat ni Msgr. Figueiredo ang mga Pilipino na gawing sentro ng kanilang buhay ang Panginoon.

“Put God at the center, and you will not waste your life, and you will make it a masterpiece,” dagdag ng pari.

Ang Pericardium Relic pilgrimage ni San Carlo Acutis ay isinagawa katuwang ang Diocese of Assisi at ang Friends of Saint Carlo Acutis Philippines, sa pangunguna nina Fr. Jerome Ponce, OFM, Fr. Nap Baltazar, at ng iba pang mga katuwang na grupo at organisasyon.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 20,396 total reads

 20,396 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 40,744 total reads

 40,744 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 80,337 total reads

 80,337 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 114,465 total reads

 114,465 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 170,870 total reads

 170,870 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top