9-araw ng simbang gabi, handog pasasalamat sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total reads

Ang lahat ng biyaya ng Diyos ay kaloob para sa bawat isa.

Ito ang isa sa mga pagninilayan ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan para sa muling pagsasagawa ng Simbang gabi bilang paghahanda sa Pasko ng pagsilang ng Panginoong Hesus.

Sa liham pastoral ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Stewardship Office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sinabi nito na magandang pagnilayan sa siyam na araw ng simbang gabi ang pagiging mabuting katiwala ng bawat mananampalataya sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos.

“Ang ating buhay, panahon, pananampalataya, kapaligiran, mga talento, pati na ang ating kaunting kayamanan. Ang lahat pong ito ay galing sa Kanya,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng obispo na sa pagbabahagi ng mga biyayang ating natatanggap mula sa Diyos, mas lumalago pa ito at nagdudulot ng kagalakan sa lahat.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ito’y paraan ng pagbabalik-handog bilang pasasalamat sa Poong Maykapal sa patuloy na biyaya sa kabila ng iba’t ibang suliranin sa kapaligiran.

“Ito po ay handog-pasasalamat natin sa Diyos. Hindi po tayo natatakot na magbalik-handog kasi maaasahan natin ang kabutihan ng Diyos. Patuloy ang daloy ng Kanyang grasya sa mga may pananalig na maghandog ng kanilang panahon, talento at yaman sa Diyos,” saad ng obispo.

Maliban sa pagdalo sa simbang gabi, hinihikayat din ni Bishop Pabillo ang bawat isa na sikaping mangumpisal bilang pagbabalik-loob at paghingi ng tawad sa Diyos sa mga nagawang kasalanan.

Paraan din ito upang buong pusong matanggap ang Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Komunyon na makapagbibigay ng pag-asa at kaligtasan sa kabila ng mga pagsubok.

“Kung hindi po tayo handang magkomunyon dahil sa kasalanan, sikapin pong magkumpisal. Sikapin pong makipagkasundo na sa Diyos at sa kapwa bago magpasko,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang “Simbang Gabi” ay isasagawa mula Disyembre 15 hanggang 23 ng gabi habang ang tradisyunal naman na “Misa de Gallo” ay mula Disyembre 16 hanggang 24 ng madaling araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 124,089 total reads

 124,089 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 158,767 total reads

 158,767 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 180,774 total reads

 180,774 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 217,260 total reads

 217,260 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 227,825 total reads

 227,825 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 88,983 total reads

 88,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top