NNARA-YOUTH, nagbabala sa epekto ng GMO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,051 total views

Nilinaw ng National Network of Agrarian Reform Advocates – Youth (NNARA-YOUTH) na hindi tutol ang mga agricultural at progressive group sa pag-unlad gamit ang mga agham at Genetically Modified Organism (GMO).

Sa halip, inihayag ni Melo Cabello – National Spokesperson ng NNARA-Youth na mariin nilang tinututulan ang malawakang pagpapahintulot sa mga banyagang kompanya na pumasok sa Pilipinas upang isagawa ang mga programang nagsusulong ng GMO.

Ayon kay Cabello, dahil sa kapitalismo ay naisasawalang bahala ang kapakanan, kabuhayan at kalusugan ng mga manggagawa sa lokal na sektor ng agrikultura.

“Ang mga GMO ay para lamang mas kumapal yung bulsa ng mga dayuhang kapitalista. Kaya kami tutol dito kasi hindi ito ang solusyon sa mga problema na nais solusyunan kuno ng GMO, marami tayong mga alternatibong pamamaraan ng pagsasaka katulad ng agro-ecology, organic agriculture kung saan ang soberenidad sa pagsasaka sa binhi, sa farm inputs at maging sa lupa ay nasa ating mga magsasaka at hindi sa mga dayuhang kapitalista,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cabello.

Inihayag ni Cabello na bukod sa hindi paniniil sa kabuhayan ng mga magsasaka ay kulang ang pag-aaral ng mga malalaking kompanya at pamahalaan sa mga epekto ng GMO sa kalusugan ng parehong mga consumers at producers.

“Dahil nga highly dependent sa kemikal ang farm inputs ng mga GMO crops, marami sa ating mga magsasaka ang nagde-develop ng mga sakit tulad ng lung cancer na epekto ng paggamit ng mga pestisidyo na gaya nga ng sabi ko monopolisado ng mga dayuhan kapitalista,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritias kay Cabello.

Kaugnay ng patuloy na pagtutol sa mga GMO Products, una ng nanindigan ang Archdiocese of Manila (RCAM) Ministry on Ecology laban sa pagsusulong ng Golden Rice.

Ito ay dahil natuklasan sa pag-aaral ng International Rice Research Institute (IRRI) na lubhang napakababa ng mga bitaminang nakapaloob sa bagong uri ng bigas kumpara sa pangkaraniwang bigas na pangunahing kinokunsumo ng mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 2,424 total views

 2,424 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 26,740 total views

 26,740 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 62,530 total views

 62,530 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 104,388 total views

 104,388 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 157,568 total views

 157,568 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 9,747 total views

 9,747 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top