Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,346 total reads

Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon.

Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund.

Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng iba’t ibang programa sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

“I congratulate the Pag-IBIG Fund for launching the Virtual Pag-IBIG Mobile App. This service innovation will significantly help in providing social benefits to our fellow Filipinos,” ayon sa pahayag ni Acuzar.

Pinuri rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang institusyon na makalipas ang apat na dekada ay patuloy ang paglago at paglilingkod sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling disenteng tahanan.

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang paglunsad ng mobile app ay naaayon sa mithiin ng kanyang administrasyon na gamitin ang teknolohiya para sa mas mabilis na pagseserbisyo.

“Today, we also welcome the launching of the Virtual Pag-IBIG Mobile Application. The app will bring Pag-IBIG Fund’s services and benefits closer to every Filipino. In line with the unwavering commitment of this administration to digitize and streamline our services,” ani Pangulong Marcos Jr.

Tampok sa mobile application ang iba’t ibang features tulad ng pag-monitor sa buwanang hulog, regular savings, MP2 savings gayundin ang pag-avail ng iba’t ibang loan programs ng Pag-IBIG Fund.

Pinangunahan ni Pag-IBIG Chief Executive Officer Marilene Acosta ang paglunsad ng mobile app kung saan ayon sa opisyal patunay na mag pinaigting ng institusyon ang pagserbisyo sa halos 15-milyong kasapi ng institusyon.

Sa datos ng Pag-IBIG Fund umabot sa 38-bilyong piso ang kita nito sa unang sampung buwan ng 2022 o mas mataas ng 39 na porsyento kumpara sa kinita noong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,922 total reads

 14,922 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,780 total reads

 99,780 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 194,111 total reads

 194,111 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,797 total reads

 255,797 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,953 total reads

 300,953 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top