Bishop Mallari, nagpaabot ng panalangin kay Pope Benedict XVI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,879 total reads

Nagpaabot ng panalangin si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa kasalukuyang kalagayan ni Pope Emeritus Benedict XVI.

Ayon sa Obispo na siya ring Head of the Office of Social Communications ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC), nawa ay sama-samang ipanalangin ng lahat ang biyayang kaloob ng Diyos para sa dating Santo Papa na nasa malubhang kalagayan.

Paliwanag ni Bishop Mallari, nasa mga kamay ng Diyos ang kaganapan ng buhay ng bawat isa maging ng dating pinunong pastol na matapat na nagsilbing lingkod ng Simbahan para sa ikaluluwalhati ng Panginoon.

“Ipagdasal po natin si Pope Emeritus Benedict XVI. Hingin po natin ng sama-sama ang lahat ng biyayang kailangan niya upang ang kalooban ng Diyos ay magkaroon ng kaganapan sa buhay niya sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos.” Ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa Radio Veritas.

Matatandaang umapela ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco para kay Pope Emeritus Benedict XVI na kasalukuyang nasa malubhang kalagayan dahil sa kanyang karamdaman.

Bahagi ng panalangin ni Pope Francis ang tuwinang paggabay ng Panginoon kay Pope Emeritus Benedict XVI na nagsilbing isang tapat na lingkod at pastol ng Simbahan bago kusang magbitiw bilang Santo Papa dahil sa kanyang mga karamdaman taong 2013.

Una ng tiniyak ng Holy See ang patuloy na pagbabantay ng mga manggagamot sa kalagayan ni Pope Emeritus Benedict XVI na patuloy ang paghina ng pangangatawan dulot ng kanyang mga karamdaman gayundin ang katandaan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,144 total reads

 3,144 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 12,726 total reads

 12,726 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 53,853 total reads

 53,853 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 87,980 total reads

 87,980 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,386 total reads

 144,386 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,145 total reads

 3,145 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top