Paghina ng piso, OFWs at BPO ang nakikinabang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total views

Parehong makikinabang ang mga 15 milyong overseas Filipino workers (O-F-W) at 600,000 call centers ng industriya ng Business Processing Outsourcing o B-P-O sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Astro Del Castillo, ekonimista, kahit mahina ang piso at iba pang pera sa ibang bansa sa palitan ng salapi ay epekto pa rin ito ng lumalakas na ekonomiya ng Amerika matapos ang pagkakahal kay President Donald Trump.

Iginiit naman ni Del Castillo, na kahit humihina ang piso at lumalakas ang dolyar ay nakatutulong naman ito sa remittances na ipinapadala ng mga OFWs dahil sa lalo silang nakagastos at siya rin namang ikalalago naman ng mga BPO companies sa bansa.

“Positibo, for now ang OFWs natin matutuwa sa mas malakas na palitan. Para sa kanila lalakas ang kanilang consuming power at makakagastos sila. Usually sila talaga ang gumagastos sa ekonomiya, mas nakakatulong ito para sa ating pag – unlad. Pangalawa, ang kita ng BPO kapag nade – deficit ang piso maganda ang kita nila mas posibleng lumago ang BPO dito sa bansa,” bahagi ng pahayag ni Del Castillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Dagdag pa ng ekonomista na mas lalong lalago ang mga exporters sa bansa lalo’t mas mababa ang piso at mas mura ang produkto, serbisyo at bilihin sa bansa.

“Pangatlo, ang ating exporters magbe – benefit dito sa mahinang piso dahil mas lalakas ang kanilang kita. Mas magiging mura sa ating bansa ang ating produkto at serbisyo at bilihin na magpapalakas sa ating exporters na magbebenipisyo ang ating ekonomiya,” giit pa ni Del Castillo sa Radio Veritas.

Sa huling foreign exchange rate bulletin ng Bangko Sentral ng Pilipinas umabot sa P49.86 ang palitan kada isang dolyar.

Samantala, batay rin sa BSP noong 2014 $24 bilyon ang kontribusyon ng nasa 11 milyong OFW, pangalawa lang ang Business Processing Outsource (BPO) o sektor ng call center na nakapagpapasok naman ng $18 bilyon.

Nauna na ring binanggit ng Kanyang Kabanalan Francisco na nawa nagagamit ng matiwasay ang mga salaping kinikita at hindi lamang ito inaaksaya sa mga walang kwentang bagay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 20,558 total views

 20,558 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 62,450 total views

 62,450 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 116,493 total views

 116,493 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 143,959 total views

 143,959 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 160,410 total views

 160,410 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 10,943 total views

 10,943 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 230,637 total views

 230,637 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top