Mananampalataya, inaanyayahan ng Diocese of Kalookan sa pagsasara ng Porta Sancta ng jubilee churches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,495 total views

Inaanyayahan ng Diyosesis ng Kalookan ang mananampalataya na makibahagi sa nakatakdang Banal na Eukaristiya at pagsasara ng Porta Sancta sa mga Jubilee Churches ng Diyosesis sa ika-31 ng Disyembre, 2022.

Noong Abril ng taong 2022 ay pinalawig ng Vatican sa pamamagitan ng Apostolic Penitentiary ang Taon ng Jubileo para sa ika-500 Taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas dahil dito itinakda ang pagsasara ng mga Jubilee Door o Porta Sancta sa mga itinakdang Jubilee Churches sa sa huling araw ng taon o ika-31 ng Disyembre, upang mas maraming mga Katoliko ang makatanggap ng indulhensya plenarya.

“Noong Abril 2022, pinalawig ng Vatican, sa pamamagitan ng Apostolic Penitentiary, ang Taon ng Jubileo para sa ika-500 Taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Itinakda ang pagsasara ng mga Porta Sancta o Jubilee Door sa huling araw ng taon, ika-31 ng Disyembre, upang mas maraming mga Katoliko ang makatanggap ng indulhensya plenarya. Sa darating na ika-31 ng Disyembre, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa BANAL NA MISA AT PAGSASARA NG PORTA SANCTA sa mga JUBILEE CHURCHES ng Diocese of Kalookan,” paanyaya ng Diyosesis ng Kalookan.

Nakatakda ang pagsasara ng jubilee door ng San Bartolome Parish, Malabon City ganap na alas-singko y medya ng hapon sa pangunguna ng kura paroko ng Simbahan na si Rev. Fr. Elpidio Erlano, Jr.; ganap na alas-syete y medya naman isasara ang Porta Sancta ng Diocesan Shrine and Parish of San Jose de Navotas sa pangunguna ng Rector at Parish Priest ng Simbahan na si Rev. Fr. Rufino Yabut; habang pangungunahan naman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagsasara ng Jubilee dor ng San Roque Cathedral Parish ganap na alas-otso y medya ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Diyosesis, maaring makatanggap ng Plenary Indulgence sa nakatakdang banal na eukaristiya ang sinumang dadalo sa banal na pagdiriwang at makikiisa sa live streaming ng banal na misa na tutupad sa mga karaniwang kondisyon ng pangungumpusal, pangungumunyon at pananalangin para sa mga intensyon ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 60,239 total views

 60,239 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,853 total views

 134,853 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 214,932 total views

 214,932 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 258,071 total views

 258,071 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 255,564 total views

 255,564 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top