Panindigan ang pangangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,998 total reads

Patuloy ang panawagan ng grupo ng makakalikasan na manindigan para sa karapatan at pangangalaga sa inang kalikasan.

Ito ang mensahe ni Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera ngayong Bagong Taon bilang na panawagan sa mamamayan na makibahagi sa pagtugon sa pagpapanatili at pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Garganera, mahalaga ang maging mapagmatyag at pagkakaroon ng bukas na isipan hinggil sa iba’t ibang krisis na pumipinsala sa mga pinakakaingatang likas na yaman ng bansa.

“Seryosong paalaala, ito ay para sa lahat ng tao lalo na doon sa mga apektadong komunidad. Ito po ‘yung panahon na kailangan nating i-angat ‘yung ating kaalaman, pang-unawa, at ‘yung ating kakayahan para tumugon kung may hamon pong hinaharap na masisira yung likas-yaman o katubigan,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Pilipinas, higit na apektado ng mga pagbabago ng kapaligiran ang mga katutubong komunidad na sapilitang pinapaalis upang ang kanilang lupaing ninuno ay gawing lugar ng pagmimina at iba pang proyekto.

Dahil sa pagsisikap na mapangalagaan ang kanilang teritoryo, karamihan sa mga katutubo na likas na tagapangalaga ng kalikasan ang nakakaranas ng pang-aabuso at pagbabanta mula sa mga malalaking kumpanya.

Iginiit ni Garganera na bagamat mapanganib, ang katangiang ipinapakita ng mga katutubo ang magandang tularan ng bawat isa bilang paninindigan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa inang kalikasan.

Hinikayat naman ng opisyal na bukod sa pagiging bahagi ng pagtatanggol sa kalikasan, higit ding mahalaga ang paghingi ng gabay mula sa Panginoon upang magampanan ang pagiging tagapangasiwa ng sangnilikha ng Diyos.

“Palagay ko po ay huwag tayong matakot. At maging handa tayo na pag-aralan, makialam, at makilahok doon sa mahahalagang gawain kasama na rin po, dapat manalangin tayo at maging bahagi nung ating panalangin na sana magkaroon tayo ng tamang gabay sa kaisipan at sa ating mga saloobin, sa ating nararamdaman para tayo’y mga maging responsableng tagapangasiwa o stewards ng ating kalikasan,” ayon kay Garganera.

Batay sa ulat ng Kalikasan People’s Network for the Environment, hindi bababa sa 10-land at environmental defenders sa bansa ang pinaslang sa taong 2022.

Nananatili pa rin ang Pilipinas sa ikaapat na bilang sa mga pinakamapanganib na bansa para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,145 total reads

 3,145 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,900 total reads

 13,900 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,460 total reads

 54,460 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,768 total reads

 81,768 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,033 total reads

 130,033 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,519 total reads

 151,519 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,493 total reads

 128,493 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top