‘Benedict XVI did his best’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,592 total reads

Nagampanan ni Pope-emeritus Benedict XVI ang kaniyang tungkulin na maglingkod bilang pinakamataas na pinuno ng simbahang katolika.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ang namayapang Santo Papa ay isang dakilang guro na biniyayaan ng husay at galing sa teolohiya na kinakailangan ng simbahan sa panahon ng kaniyang pamumuno.

“It is never fair to sort of compare either against each other. I would like to believe that Pope Benedict did his best.” ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit-on-the-air ng Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo, makailang ulit din niyang nakadaupang palad ang pumanaw na dating Santo Papa- ang una noong 2006 sa ginanap na seminar sa mga bagong talagang obispo ng simbahan at noong 2007 sa ad limina visit ng mga obispo ng Pilipinas sa Roma.

Bago maging pinuno ng simbahan, si Cardinal Joseph Ratzinger o Benedict XVI ay naging pinuno ng Congregation of the Doctrine of the Faith simula 1981-2005.

Nagsilbi ring arsobispo ng limang taon sa Archdiocese ng Munich and Freising sa Germany.

Taong 2005 nang mahalal bilang Santo Papa makaraan ang pagpanaw ni Pope John Paul II.

Bagama’t ikinagulat ng marami ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin bilang Santo Papa, sinabi ni Bishop David na higit pa ang kanyang naging paghanga sa pumanaw na Santo Papa.

Ayon kay Bishop David- isa sa mga obispo na itinalaga ni Benedict XVI taong 2006, kinikilala ni Benedict XVI ang kaniyang kakayahan, at ang kahinaan gayundin ang pangangailangan ng nagbabagong simbahan.

“You cannot expect him to be what he is not. Benedict XVI is a teacher, intellectual, theologian, and musician.” ayon pa kay Bishop David.

Si Benedict XVI ay nagbitiw sa tungkulin taong 2013 sa edad na 85, dulot na rin ng kaniyang mahinang pangangatawan dahil sa mga iniindang karamdaman at katandaan.

Makaraan ang pagbibitiw sa tungkulin, 10 taong ginugol ni Benedict XVI ang kaniyang panahon sa pananalangin at katahimikan sa monasteryo sa Vatican City na nagsilbi niyang tahanan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 2,865 total reads

 2,865 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 66,022 total reads

 66,022 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 6,987 total reads

 6,987 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 122,824 total reads

 122,824 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 243,404 total reads

 243,404 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 293,349 total reads

 293,349 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 66,023 total reads

 66,023 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top