Disaster relief at preparedness, palalakasin ng PDRF at CDP-Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,811 total views

Palalakasin ng pribadong sektor ang disaster relief at preparedness katuwang ang pamahalaan upang ihanda at tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak ni Veron Gabaldon – Executive Director ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at ni Mayfourth Luneta – Executive Director ng Center for Disaster Preparedness – Philippines (CDP).

Inihayag ni Luneta na bago mangyari ang mga sakuna ay una ng nakikipag-ugnayan ang CDP-Philippines sa mga komunidad sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang ihanda ang mamamayan.

“Nagbibigay kami ng mga pagsaanay doon hindi lang sa mga pamilya ganun din sa mga community level, meaning yung mga baranggay yung mga community ay nate-train namin na dapat mayroon silang community base early warning system kung kailan lilikas,saan yung mga designated evacuation.”pahayag ni Luneta sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Gabaldon ng P-D-R-F ang pagsasagawa sa preparedness program kasama ang business sector upang matulungan ang mga negosyante na makapaghanda sa oras ng sakuna.

“Malaking bahagi ng paghahanda ay access to right information, tamang impormasyon sa tamang panahon at tamang oras. Malaking factor kasi hindi po natin maikakaila at maiwasan because of our geographical location talagang nandiyan yung bagyo, andiyan yung makakaranas tayo ng earthquake, volcanic eruption at ito pang mga health emergencies like this pandemic kaya all the more yung preparedness natin.” paglilinaw ni Gabaldon

Ang CDP-Philippines at P-D-R-F ay kasapi ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Tungkulin ng CDP-Philippines na ihanda at palawakin ang kaalaman ng mga komunidad hinggil sa paglikas at paghahanda sa mga kalamidad kabilang ang mental health program sa mga apektadong mamamayan.

Ang P-D-R-F ay kalipunan ng mahigit 100-miyembro mula sa private sector na tinutugunan ang pangangailangan ng mga negosyo higit na ng mga kabilang sa Micro Small and Medium Enterprise (MSME) Industry tuwing may kalamidad.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 26,392 total views

 26,392 total views Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 35,175 total views

 35,175 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 100,378 total views

 100,378 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 169,771 total views

 169,771 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 200,857 total views

 200,857 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 232,738 total views

 232,738 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top