Simbahan sa Diocese of Borongan, binuksan sa mga evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,910 total reads

Muling nanawagan ng tulong ang Diyosesis ng Borongan para sa mga biktima ng pagbaha dulot patuloy na pag-uulang dala ng low pressure area sa Eastern Visayas Region.

Ayon kay Caritas Borongan/Diocesan Commission on Social Action Director Fr. James Abella, siyam na bayan sa Eastern Samar ang higit na apektado ng pagbaha.

Bilang tugon, binuksan ng diyosesis ang ilang mga parokya na hindi binaha upang pansamantalang evacuation centers ng nasa 5,738 pamilya o 21,330 indibidwal.

“Yung ginawa ng mga parokya, in-open ‘yung mga simbahan kasi mostly nasa mataas na part sila. Kaya ginawang evacuation centers ang mga simbahan pero ‘yung ibang parokya, lubog talaga sa baha kaya hindi kayang i-accomodate ‘yung ibang families,” pahayag ni Fr. Abella sa panayam ng Radio Veritas.

Nakikipag-ugnayan naman ang Caritas Borongan sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan upang matiyak na natutugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang lubos na apektado ng pagbaha.

Hiling ng social arm ng Diyosesis ng Borongan ang tulong partikular na ang food packs, drinking water, at hygiene kit na malaki ang maitutulong sa mga biktimang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation sites.

“Nananawagan ako sa publiko kasi ‘yung buong Eastern Samar ngayon ay nasa state of calamity. Naiintindihan namin yung mga hindi masyadong apektado na mas kailangang tulungan talaga ‘yung nasa Northern part ng Eastern Samar. Limited kasi ang resources namin kaya humihingi kami ng tulong sa mga tao kung mayroon silang ipapadala, either in-cash or in-kind,” saad ni Fr. Abella.

Sa mga nais magpadala ng tulong, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Borongan, Inc. o kaya’y makipag-ugnayan kay Fr. James Abella sa numero bilang 0917-147-4435.

Nauna nang nanawagan ng tulong at panalangin si Borongan Bishop Crispin Varquez kasunod ng patuloy na epekto ng sakuna, gayundin ang pangako sa mga biktima na ibibigay ng simbahan at mga may mabubuting kalooban ang kanilang pangangailangan.

Read:

https://www.veritasph.net/diocese-of-borongan-nanawagan-ng-tulong/

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 72,274 total reads

 72,274 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 155,300 total reads

 155,300 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 249,633 total reads

 249,633 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 311,317 total reads

 311,317 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 353,526 total reads

 353,526 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 212,395 total reads

 212,395 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top