Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Disaster relief at preparedness, palalakasin ng PDRF at CDP-Philippines

SHARE THE TRUTH

 1,610 total views

Palalakasin ng pribadong sektor ang disaster relief at preparedness katuwang ang pamahalaan upang ihanda at tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak ni Veron Gabaldon – Executive Director ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) at ni Mayfourth Luneta – Executive Director ng Center for Disaster Preparedness – Philippines (CDP).

Inihayag ni Luneta na bago mangyari ang mga sakuna ay una ng nakikipag-ugnayan ang CDP-Philippines sa mga komunidad sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang ihanda ang mamamayan.

“Nagbibigay kami ng mga pagsaanay doon hindi lang sa mga pamilya ganun din sa mga community level, meaning yung mga baranggay yung mga community ay nate-train namin na dapat mayroon silang community base early warning system kung kailan lilikas,saan yung mga designated evacuation.”pahayag ni Luneta sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Gabaldon ng P-D-R-F ang pagsasagawa sa preparedness program kasama ang business sector upang matulungan ang mga negosyante na makapaghanda sa oras ng sakuna.

“Malaking bahagi ng paghahanda ay access to right information, tamang impormasyon sa tamang panahon at tamang oras. Malaking factor kasi hindi po natin maikakaila at maiwasan because of our geographical location talagang nandiyan yung bagyo, andiyan yung makakaranas tayo ng earthquake, volcanic eruption at ito pang mga health emergencies like this pandemic kaya all the more yung preparedness natin.” paglilinaw ni Gabaldon

Ang CDP-Philippines at P-D-R-F ay kasapi ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Tungkulin ng CDP-Philippines na ihanda at palawakin ang kaalaman ng mga komunidad hinggil sa paglikas at paghahanda sa mga kalamidad kabilang ang mental health program sa mga apektadong mamamayan.

Ang P-D-R-F ay kalipunan ng mahigit 100-miyembro mula sa private sector na tinutugunan ang pangangailangan ng mga negosyo higit na ng mga kabilang sa Micro Small and Medium Enterprise (MSME) Industry tuwing may kalamidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,311 total views

 10,311 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,271 total views

 24,271 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,423 total views

 41,423 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,854 total views

 91,854 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,774 total views

 107,774 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,234 total views

 30,234 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top