Stop BNPP, paninindigan ng Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,464 total reads

Muling nanindigan ang Diyosesis ng Balanga laban sa binabalak na pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant na proyekto pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Sa Pastoral Letter ni Bishop Ruperto Santos, inihayag nito ang pagsuporta sa mga pari, lokal na opisyal, at mga mananampalataya ng Bataan upang tutulan ang pagpapatuloy sa proyektong napatunayan nang magastos at mapanganib sa kalikasan at mga tao.

“There are serious factors associated with nuclear energy, such as risks and cost. While nuclear power is cheap to operate and produces inexpensive fuel. The cost to build and maintain the facility are exorbitant. It will cost billions of dollars,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa Obispo, Abril 2018 nang magsagawa ng pagsusuri ang State Atomic Energy Corporation ng Russia o Rosatom hinggil sa BNPP kung saan inihayag ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na ang pagbuhay sa planta ay hindi na dapat pahintulutan dahil pinaglipasan na rin ito ng panahon.

Sinabi ni Bishop Santos na kailangang higit na maunawaan ng mamamayan na ang proyekto sa halip na makatulong na mapababa ang singil sa kuryente ay lalo lamang makadaragdag sa mga bayarin ng taumbayan.

“What most people do not realize is, they think they will save a lot of money from their electric bill. However, the cost of construction and maintenance will be an added burden to our already deep national debt, which will be paid for by our very own citizens for generations to come,” saad ng Obispo.

Iminungkahi naman ng Obispo sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na paigtingin na lamang ang pagsusulong para sa mas ligtas, malinis, at abot-kayang renewable energy resources tulad ng Wind, Water (hydro), at Solar energy.

Iginiit din ni Bishop Santos na kailanma’y hindi magbabago ang paninindigan ng diyosesis laban sa BNPP at patuloy na itataguyod ang kahalagahan ng buhay, gayundin ang pagtugon sa panawagang pangalagaan at panatilihin ang lahat ng mga nilikha ng Diyos.

“The Diocese of Balanga has spoken and will stand firm again. We acted then and will continue to act today. We are against it. Stop it. Enough. We do not agree. We are against any ideas or plans for the rehabilitation of the Bataan Nuclear Power Plant,” giit ni Bishop Santos.

Taong 1984, panahon ng diktaturyang administrasyon ng nakatatandang Marcos nang matapos ang pagbuo sa P2.3-bilyong nuclear power plant.

Batay sa pagsusuri ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Korean Electric Power Company (KEPCO) na aabot sa isang bilyong dolyar ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa 631-megawatt BNPP.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,983 total reads

 23,983 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,784 total reads

 8,784 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 49,344 total reads

 49,344 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,848 total reads

 76,848 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,113 total reads

 125,113 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,856 total reads

 146,856 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,284 total reads

 128,284 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top