Pagpapahinto ng pagmimina sa Palawan, hiniling ng ELAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,364 total reads

Nananawagan sa pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang Environmental Legal Assistance Center (ELAC) na magpasa ng resolusyong magpapahinto sa isinasagawang pagmimina sa lalawigan.

Kasunod ito ng pagbaha sa Brooke’s Point, Palawan sanhi ng patuloy na pag-uulang dala ng low pressure area at Shear Line.

Ayon kay ELAC executive director Atty. Grizelda Mayo-Anda, dapat magkaroon muna ng pag-aaral ang lokal na pamahalaan ng Palawan upang higit na matukoy ang dahilan ng lumalalang pinsala sa kalikasan ng lalawigan.

“We strongly urge the Provincial Board of Palawan to pass a resolution to request the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and other government agencies to impose a moratorium [on mining and quarrying] pending the conduct of assessment,” pahayag ni Anda.

Sinabi ni Anda na makabubuti ring isulong ng Palawan Council for Sustainable Development at DENR ang disaster risk reduction and management at pagtugon sa pagbabago ng klima.

Iminungkahi naman ng opisyal na balikan ang Strategic Environmental Plan clearance para sa mga proyekto sa Palawan, maging ang Annual Environmental Protection Enhancement Program ng lahat ng minahan sa lalawigan.

Ito’y upang matugunan ang mga katanungan hinggil sa mga alalahanin sa kalikasan at maging batayan sa pagpapatupad ng moratorium sa lahat ng uri ng pagmimina sa Palawan.

“Kung wala kang sapat na pag-aaral at alanganin tayo, gumawa tayo ng hakbang. Ang burden of proof niyan ay wala sa mga mamamayan. The burden of proof should shift to those who have destroyed our natural forests,” ayon kay Anda.

Sa kasalukuyan, mayroong apat na minahan ang nagsasagawa ng operasyon sa Palawan na patuloy na pinipigilan ng mamamayan maging ng simbahang katolika at iba pang denominasyon.

Ito’y ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation at Berong Nickel Corp. sa mga bayan ng Bataraza at Quezon, gayundin sa Narra at Brooke’s Point na matatagpuan naman ang Citinickel Mines and Development Corp., at Ipilan Nickel Corp.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 13,935 total reads

 13,935 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 98,838 total reads

 98,838 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 193,169 total reads

 193,169 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 254,855 total reads

 254,855 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,089 total reads

 300,089 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,809 total reads

 209,809 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top