Pagpapalalim sa kamalayan ng mamamayan sa Salita ng Diyos, paiigtingin ng MBA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,078 total reads

Tiniyak ng Ministry on Biblical Apostolate (MBA) ng Archdiocese of Manila ang pagpapaigting ng mga programang magsusulong sa kahalagahan ng pagbabasa ng bibliya.

Ito ang mensahe ni RCAM-MBA Minister Fr. Rolando Garcia Jr. sa ginanap na word conference bilang pagdiriwang sa National Bible Month.

Ayon sa opisyal, ang mga katulad na gawain ay makatutulong sa mamamayan na mapalalim ang kamalayan sa Salita ng Diyos at higit na mahikayat na basahin ang bibliya sa Kani kanilang tahanan.

“Napakagandang pagkakataon po itong conference dahil malaking opportunity ito na lumago ang ating appreciation sa ipinagdiriwang na National Bible Month na makatulong sa pananampalataya ng bawat isa.” pahayag ni Fr. Garcia sa panayam ng Radio Veritas.

Tinuran din ng pari ang panayam ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa pagtitipon na makatulong mapaunawa sa halos 500 dumalo ang kahalagahan ng bibliya sapagkat ito ang kasalukuyang Pangulo ng Catholic Bible Federation at Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Hinikayat ni Fr. Garcia ang mananampalataya na maging aktibo sa mga biblical Apostolate ng mga parokya para mahubog ang pundasyon ng pananampalatayang kristiyano.

“Ini-encourage natin ang bawat parokya na magkaroon ng mga Bible programs tulad ng Bible sharing o Bible formation sapagkat mas mahalaga ang ating personal na debosyon sa pagbabasa, pagninilay, at pag-aaral ng Salita ng Diyos.” ani Fr. Garcia.

Ginanap ang half-day word conference sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City nitong January 19 sa temang ‘The Word of God is the Way, the Truth, and the Life’ na pinangunahan ni Cardinal Tagle.

Ito ay inisyatibo ng RCAM – MBA katuwang ang Office for the Promotion of the New Evangelization ng Archdiocese of Manila kung saan ang mga dumalo ay nagmula sa iba’t ibang parokya ng Ecclesiastical Province of Manila.

Taong 2017 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 124 na nagdeklarang ipagdiwang tuwing Enero ang National Bible Month bilang pagkilala sa bibliya na isa sa mahalagang sangkap sa matibay na pundasyon ng pamayanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 562 total reads

 562 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,823 total reads

 7,823 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,036 total reads

 22,036 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 62,597 total reads

 62,597 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 89,473 total reads

 89,473 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 137,738 total reads

 137,738 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 158,822 total reads

 158,822 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top