Palawan LGU, hinamong ipagbawal ang logging at pagmimina sa lalawigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,595 total views

Hinamon ng mga katutubong kabataan ang pamahalaang Panlalawigan ng Palawan upang tutulan ang iba’t ibang gawaing pumipinsala sa mga likas na yaman ng lalawigan.

Ayon kay Ugnayan National Indigenous Youth Network Chairperson Mamilmar Dubria, Jr., kalunos-lunos ang naranasan ng mga residente ng Brooke’s Point dahil sa biglaang pagbahang puminsala sa mga pananim at buhay ng mga tao.

Pagbabahagi ni Dubria na noo’y tuwang-tuwa pa ang mga tao dahil itinuturing nilang biyaya ang ulan sa kanilang mga pananim, ngunit napalitan ito ng pangamba dahil sa naging epekto ng malawakang pagbaha.

“Nakakatakot at nakakalungkot ang ganoong karanasan para sa ating bayan na kinikilala bilang isang magubat na lugar ngunit naranasan natin ang isang nakakikilabot na pagbaha,” pahayag ni Dubria.

Iginiit ng katutubo na dapat nang kumilos at manindigan ang lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point upang ipagtanggol ang mamamayan na direktang apektado ng mga nangyayaring kalamidad.

Nananawagan din si Dubria sa Palawan Council for Sustainable Development at Department of Environment and Natural Resources na lumikha ng mga programa at tuntuning pipigil sa tuluyang pagkasira ng pinakakaingatang kagubatan ng Palawan, at hindi na ito magdulot pa ng anumang panganib sa mga tao.

“Huwag po tayong magtago sa apat na sulok ng ating opisina, bagkus lumabas po tayo at alamin natin kung ano nga ba ang karanasan, at nararanasan ng mga tao sa paligid natin,” giit ni Dubria.

Itinuturing ang Palawan bilang “the Last Ecological Frontier of the Philippines” dahil napapanatili pa rin nito ang 50 porsyento ng orihinal na kagubatan.

Nauna nang kinondena ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mga mapaminsalang gawain sa Palawan tulad ng unti-unting pagkaubos ng mga kagubatan dahil sa patuloy na pagpuputol ng punongkahoy at operasyon ng pagmimina na nagiging dahilan naman ng pagbaha sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 1,332 total views

 1,332 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 25,648 total views

 25,648 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 61,438 total views

 61,438 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 103,304 total views

 103,304 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 156,574 total views

 156,574 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top