Pagpapatatag ng CBCP Commissions, layunin ng 125th CBCP Plenary assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,805 total reads

Pagsaayos para sa mas mabuting paglilingkod sa mananampalataya.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ito ang isa sa layunin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa ginaganap na 125th Plenary Assembly.

Ipinaliwanag ng obispo nais ng mga lider ng simbahan na paigtingin ang bawat komisyon ng CBCP upang higit na makapaglilingkod sa 80 milyong katoliko sa Pilipinas.

“Pinagsisikapan naming mapagbuti yung serbisyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, gusto naming i-organize ng mabuti yung lahat ng mga commissions and offices at yung hamon kasi ngayon kung paano tayo maglakbay ng sama-sama hindi lamang kaming mga obispo kundi kasama ang mga layko mga relihiyoso yung lahat ng miyembro ng simbahan.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Mallari na maraming bagay ang tinalakay ng mga obispo tulad ng Ratio Nationalis na isang programa para sa paghuhubog ng mga maging pari; ang epekto sa mga simbahan sa Pilipinas ng Praedicate Evangelium na ipinatupad ni Pope Francis sa Vatican; at ang panukalang pagkakaroon ng Permanent Deacon sa bansa.
Apela ng obispo sa mga kapwa lingkod ng simbahan na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan upang maramdaman ang diwa ng pagkalinga ng simbahan.

“Hamon sa aming mga obispo, pari at religious na we will try our best to be closer to the community especially those in the peripheries.” ani Bishop Mallari.

Mahigit sa 80 obispo ang dumalo sa pagbukas ng tatlong araw na pagpupulong na magtatapos sa January 30 na ginaganap sa Pope Pius XII Catholic Center.

Hiling ni Bishop Mallari sa mananampalataya ang ibayong panalangin para sa matagumpay na talakayan na magbubunga ng paglago sa pananampalataya ng mga Pilipino.

“Please pray for us so that we will have the fullness of the Holy Spirit nang sa ganun we will be guided sa lahat ng gagawin.” saad ni Bishop Mallari.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 1,424 total reads

 1,424 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 11,072 total reads

 11,072 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 51,632 total reads

 51,632 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 79,051 total reads

 79,051 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 127,316 total reads

 127,316 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 148,940 total reads

 148,940 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top